Heart Strong

12 0 0
                                    



Dug dug .Dug dug. Dug Dug.

Ramdam ko ang tibok ng aking puso habang nakapatong ang aking palad sa dibdib.
Ang tao napapagod. Lahat ng internal organs , kasama na ang muscles at veins ay kailangang magpahinga sa pag-contract. Sa ayaw at sa gusto natin, kailangang tumigil pag pagod na .

Pero itong tumitibok sa dibdib , kailanma'y hindi tumigil sa pagtibok. Walang hinto sa pagtatrabaho.
Akalain mo nga naman, Labing-walong taon na siyang kumakayod para lang mabuhay ako pero ni minsan ba, napagod ba ito?

Syempre napapagod rin daw siya. Pero walang hinto-hinto. Dahan-dahan lang , hanggang sa manumbalik sa normal.

Labing-walong taong hindi nagsasawa sa taas-babang daloy ng emosyon. Di ko na maalala kung ilang beses na itong nabugbog, kinurot, tinusok, at inipit. Di ko na mabilang kung ilang beses itong natuwa ,lumuha, nagalit, at kumabog.Basta , ang sigurado ko lang , marami na siyang naranasan . Nabugbog, nilagyan ng band-aid, gumaling, tinusok ulit, tapos minsan, halos lumubog sa takot at gulat.

Itinapat ko ang kaliwang palad ko sa dibdib. Di ko mapigilan ang hindi mamangha sa maliit na lamang- loob na ito. Ang dami niyang pinagdaanan. Pero ni-minsan, hindi siya sumuko. Walang tigil-tigil ! Tuloy-tuloy lang.
Siya ay sugatan, pero lumalaban. Nahihirapan, pero nagpapatuloy. Pinapahina, pero para sa sarli, siya ay nagpapalakas.

Pero naalala ko rin, lahat ay may hangganan. Ang nakakapanghilakbot na tanong ay sumagi sa aking isip ngayon. Kelan kaya siya titigil ? Kelan kaya siya magsasawang pahirapan ang sarili niya? Sa anong araw siya magpapahinga, habambuhay?

©Preshy-chan

Twisted thoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon