Tanong
Walang imbensyon o karunungan sa mundong ito ang matutuklasan kung hindi dahil sa pagtatanong.
Nagsisimula ang lahat sa tanong.
Ano? Kailan? Sino? Paano? Bakit? Saan?
Para saan? Huwag tayong matatakot na kwestyunin ang mga bagay-bagay sa daigdig.
Mabuhuhay lamang ang isang tao bilang isang tunay na tao, hindi bilang isang character na kinokontrol lang ng manunulat sa kanyang istorya kung siya, alam ang kanyang mga dahilan. Bakit? Bakit ako nandito sa mundo? Para saan at bakit kailangang magpatuloy?Naitanong mon a ba iyan sa sarili mo?
Oo, kaya nga natin pumasok sa eskwela at mamuhay araw-raw subalit kung wala kang rason para magpatuloy, mawawalan ng saysay ang lahat ng paghihirap. Tanga. Inutil. Gumagawa ka lang ng mga bagay para sa wala.
Tumatakbo ka papunta sa finish line at pagkatapos? Eh ano ngayon? Baka nga, sa kalagitnaan ay huminto ka, umalis, at walang narrating dahil wala kang dahilan. Wala kang dahilan na kinapitan nung mga panahong pagod na pagod ka na. Nung mga panahong malapit ka nan ang sumuko
Lahat ng bagay may dahilan. Ngunit hindi ako, hindi sila ang magdidikta nito. Kung'di ikaw. Oo, ikaw. Dahil may sarili kang utak na tao ka.
Ganon kahalaga ang pagkakaroon ng purpose sa buhay. Kaya kung ako sa'yo, simulant mon ang magtanong: Bakit? Para saan? Kailangan ba?
BINABASA MO ANG
Twisted thoughts
RandomThe writer is twisted. Bear with it. A twisted mind writes unique thoughts.