Barking humans

7 0 0
                                    

Sino dito ang takot sa aso?
Yung tipong bibili lang sa tindahan, magpapasama pa sa kaibigang matapang at hindi takot sa aso.
Tapos yung pag papasok sa bahay na may aso, tatakbo palayo, tago at hanap ng safe zone?

Tapos kaunting tahol, panic agad? Hahaha.

Marami akong kakilalang ganyan. Di ko nga maintindihan kung bakit sila natatakot sa aso, eh ang bait kaya nila! Tapos ang cute cute pa. Hahaha.
They are so cuddly and friendly. Clingy din at loyal. Ayiee.

Sila: " mabait ka dyan! Eh tahol nga ng tahol oh. Huhuhu. Parang kakagatin niya na ako!"

Tsk tsk. Alam niyo kasi,ganito lang yan.

Ang aso, parang tao lang rin yan. Oo! Believe me guys.

Diba ang tao pag hindi natin kilala or stranger, sinisiyasat natin? Tapos vigilant tayo sa kanila kasi baka bad sila or baka may gawin silang masama. Pero pag nafamimiarize na tayo dun sa tao, at alam nating okay naman siya, hindi na natin iniisip pa or hindi na tayo bothered.

Kapag kasi bothered ang aso, tumatahol. Tao nga eh, ang daming angal. Daming satsat. Ang iingay ng bibig. Aso pa kaya?

Tsaka hanggang tahol lang naman sila. Parang sa tao lang rin. They are just all talk. Puro salita. Paninira. Bulyaw. Pero di naman nananakit.

They are just trying to scare you. Pero.ang totoo, hanggang dyan lang sila. Same with dogs. Hanggang tahol lang.

Wag ka tatakbo. Iisipin nila, guilty ka at bad ka. Instead, just ignore them. Just let them be. Parang yung kaaway mo lang. magsasawa rin sa kakalahol at satsat.

And lastly, imbis na matakot sa kaaway mo, why not face them or ignore them like you have your own business? Or better, love your enemies and tame them.

Dahil ang aso, parang kaaway mo lang rin yan. Okay?

Uy may aso! Hahaha. Oh ang tumakbo, duwag. Haha

Twisted thoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon