Bigla akong napaisip kanina.
Lahat ng social status ay mayroong purpose at halaga sa mundong ito. Lahat may role na ginagampanan.Kung lahat mayaman, sino na lang ang magiging kasambahay, hardinero, driver, at utusan nila- nating lahat na mayayaman?
We cannot deny that in every successful person, there are small people who support this person. Kung lahat mayaman, Wala nang maliliit na taong susuporta sa kanila.
Wala nang utusan. They do everything by themselves. At wala na ring trabahante, kung ganon? Lahat nakahilata na lang sa kanilang mga pamamahay? Sino na lang ang magwo-work? Mga robots?
Social animals pa naman tayo at kailangan nating makisalamuha, gumalaw-galaw, at makadiskubre ng ating purpose kasi kung hindi, mayaman nga lahat, pero depressed naman dahil sa kawalan ng purpose sa buhay.
Buhay ka pa pero para ka na ring patay. Isang katawan na mayroong laman. Vessel.
That's it?
Bale, Ilan lang ang mga iyan sa mga naisip ko na posibleng maging dilemma kapag lahat ng tao naging mayaman sa mundong ito.
At kung maging mayaman lahat ng tao, hindi lahat kayang panatilihin ang kanilang yaman. Marami ang mas gustong maglustay kaysa ang mag-ipon at mag-invest. Hindi lahat matalino sa pera. Hindi magtatagal, maghihirap din sila.
Pangalawa, kahit lahat mayaman, iba-iba pa rin ang level ng pagiging mayaman. Heirarchy pa rin ang magaganap. Mayroong bilyonaryo, mayroong milyonaryo, at mayroong kalahating libo pataas ang kinikita.
At ang definition ng pagiging mahirap, middle class, at mayaman ay mag-iiba. Tataas ang standard. Halimbawa, kapag 500,000 pesos pataas a g kinikita buwan-buwan, mahirap ka lang. Pero dekotse pa iyan, ha at may two-storey house. Samantalang ang pinakamayaman, baka siya yung kayang bilihin pati ibang planeta! Ha-ha-ha.
Kaya ang hiling na: "Sana all mayaman!" O ang communism version nito na: "Dapat all M
mayaman!" Ay isang absurd at imposibleng feat.So, ano? Dapat bang huwag na lang tayong mangarap at maging mayaman?
Not so.
But rather than aiming for becoming rich, why don't you aim to be a better person, and happier? And if you want to become rich? How rich, do you want it to be? How do you plan to make your rich life not boring? How do you plan to maintain it?
Kasi kapag naging mayaman ka, hindi doon natapos ang problema. Mayaman ka man, may problema pa ring darating. Cuz that's life.
Every side of the coin has its own set of advantage and disadvantages. It's up to us how we use what we have to solve it.
BINABASA MO ANG
Twisted thoughts
RandomThe writer is twisted. Bear with it. A twisted mind writes unique thoughts.