Your life, your rules

3 0 0
                                    

Hindi mauubusan ng opinion ang mga tao tungkol sa'yo. Actually, sa lahat ng tao sa paligid nila.

Eh, wala, eh. Ganun talaga. Hindi naman natin sila pwedeng tanggalan ng karapatan na magkaroon ng pakealam at na mangialam. May freedom of speech, eh. So, sasabihin nila ang gusto nilang sabihin: ang kanilang mga opinyon sa mga bagay-bagay, kahit pa inis ka dahil sinisita nila ang pagtaba mo at pananamit.

Pero, pwede naman nating baguhin ang reaksyon natin para madisappoint sila at mawalan ng gana magcomment about sa'yo (with less effort)

Don't even try arguing.

Don't even try convincing them. Ahh. Just don't. Sav your expensive saliva. Closed minded na mga 'yan.

Instead, agree with them.

Ano yon? Papakaplastic ako?

Nope. Agree and accept.

When you own your insecurities, and the negative things they say about you, it becomes your strength. They can no longer bother you about it.

"Uy, pumayat ka! Ang payatot mo na, mas gusto namin nung medyo may laman laman ka pa."

"Oo nga, po. Thank you! Gusto ko 'yan. Yan nga po goal ko, eh. Magpapayat. Hehe. Buti naman."

--

"Pwede bawas bawasan mo pagiging wirdo mo? Paano ka magkakajowa niyan?

"Ay, oo. Weird talaga ako. Kakaiba and unpredictable. You can't find another me. I'm so rare. Rawr. Hayaan mo sila if hindi nila ako jowain. Ayaw ko rin sa kanila. Quits lang."

--
Or a simple yes/nod/hmmm. Tipid na pag agree para madiscourage. Kasi sino ba naman gaganahan makipag-usap sa taong matipid at walang shineshare na info. Walang away, walang thrill. Sobranh dealing kausap.

But that's the point. Make it boring para sila na kusang magsawa at umalis. Para isipin nilang wala Kang kwentang kausap.

Kaya nga, eh. Wala kang kwentang kausap kaya huwag ikaw ang ginagambala nila para sa ganyang chika.

Buhay ng mga chismosa ay boring kaya kung ano-ano nakikita at napapansin na hindi naman importante.

Eh ano naman kung tumaba ka? Ikinahospital ba nila? Kinamatay ba nila? Lol.

If worried talaga sila sa health mo, or kapakanan mo, ok lang. Pero as long as hindi naman detrimental or emergency, you don't need their opinion.

It's your life. It's your body. Do what you want. Ask if you like what you are , what you have now, what you're doing. Ikaw nagdadala sa sarili mo, hindi sila.

Kaya pake nila?

Oo, tumaba ako.
Oo, nagresign ako.
Oo, nagdress ako provocatively.
Oo, nangutang ako for iPhone.

So? Oh, tapos? Anong gagawin natin, magpapa-party?

Meh.

Twisted thoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon