On beauty and respect

14 0 0
                                    

I used to be the type of person na walang pakealam sa sasabihin ng mga tao about sa pananamit at itsura ko. Pumapasok ako sa school na may punit yung damit, may hindi matanggal tanggal na mantsa ng pintura yung palda, maduming white rubber shoes, at magulong buhok. 

Although maraming nagsasabi na mas maganda pa raw ako sa mga classmates naming sumasali ng pageant kung mag-aayos lang raw sana ako. Kung hindi lang raw sana ako weird ay siguardong marami raw ang magkakagusto sa akin. 

Sayang raw ang kagandahan ko, ganun. 

I just smiled as a reply. Pero ayun na nga. Ayun ang punto. 

Ang philosophy behind that is because, paano ko malalaman kung sino ang totoong nagmamahal sa akin kung maganda ako? Ayokong magustuhan ng mga tao dahil sa maganda ako. Gusto ko, magustuhan nila ako dahil sa personality ko or dahil sa matalino ako o dahil sa mga napatunayan ko ng mga gawain. 

Bakit ba tayo nagdadamit ng pormal? Nagpapakirap na gumanda? Ang sagot ay para matanggap tayo. Kasi pag madungis tayo, lalayuan tayo. Pandidirihan. Kaiinisan. Kesyo pangit, kesyo marumi, ganun. 

Pero, ganun nalang ba yun? Irerespeto nalang ba natin ang isang tao base sa itsura niya? 

Ako, naniniwala ako na hindi. Ang respeto ay nakabase sa ugali. Deserve nating lahat na respetuhin. Dapat ang basehan ng respeto ay hindi dahil sa itsura, kungdi base sa kung paano ka nila tratuhin at sa iyong asal na rin. 

Kasi alam mo, mas karespe-respeto pa yung mga pulubi o mga mahihirap na honest, at marunong humingi ng pasensya kesa sa mga taong nakatuxedo nga, nakapag PhD nga, pero wala namang konsiderasyon, o di naman kaya'y gumagawa ng katiwalaan. Deserve ba nila yung mataas na respeto?

Twisted thoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon