WORST ENEMY

3 0 0
                                    

For me, the phrase, "our worst enemy is ourself" does not only apply to us filipinos but to all humans. Given our human nature na destructive, tulad na lang ng mahilig mag-imagine ng mga bagay-bagay to fill-in the gaps which leads to overthinking. Ang inggit sa ating kapwa ay dahil sa pagkukumpara natin ng sarili sa kanila. Ang pagiging chismosa at mapanghusga na ugali, mas nakakapagpasidhi lamang ng inggit. At inilalayo ang focus sa self-development patungo sa buhay ng ibang tao. 

Nagsasayang tayo ng oras sa mga hindi makabuluhang bagay. Hindi naman kailangan iyon, pero ginagawa pa rin natin. Kung minsan pa, labis ang pagdududa natin sa ating sariling kakayanan at talent to the point na wala na tayong natatapos gawin sa takot na magkamali. O kung hindi naman, sa sobrang pagtitiwala sa sarili ay naging hambog na at hindi tinatama ang mali. Tingin sa sarili'y perpekto kaya hindi nag-iimprove.

Kapag masyado tayong napapamunuan ng ating mga emosyon, tayo ay nagiging alipin nito. Hindi na natin nako-kontrol at nababantayan ang galaw natin, batay sa kung ano talaga ang gusto nating goal. Inililigaw tayo nito.

Ang totoo, sarili lang naman talaga natin ang mako-kontrol natin. Pero kung pati sarili mo, hindi mo na rin makontrol, nagiging kaaway natin ang sarili dahil isa siyang hadlang. Sa kabilang banda, hindi naman talaga sarili natin as a whole ang kaaway natin. Mayroong mga parte lang nito ang nakakagawa ng hindi maganda. Kapag natutunan nating kontrolin ito at itama, ay magiging kakampi na natin ito nang lubos. 

Twisted thoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon