HALOS hindi niya makilala ang sarili dahil sa itsura niya ngayon sa salamin. Ganon din sila Anton na masayang-masaya para sa kaniya. Ito kasi ang nag-ayos at namili ng damit niya kaya talagang natutuwa ito sa naging resulta.
She smiled shyly at them as Poseidon looked at her intently. She saw admiration and astonishment about her transformation. From wearing a fresh make-up everyday to something heavy-like.
"Dapat talaga madalas kang mag-party, sis. Lumalabas ang mala-model mong itsura 'e." Inayos pa ni Anton and buhok bago siya muling pasadahan ng tingin mila ulo hanggang paa. "Para akong patatas kapag itinabi sa inyo. Hustisya, please?"
"Gwapo ka rin naman, Anton. Kung hindi ko alam na medyo tagilid ka, iisipin ko na isa kang mafia boss." Biro ni Ream na ikinatawa maging ng ina nito.
"'Nay! Tignan mo si Ream sa maganda mong anak. Binubully ako? Omg. I can't take it." Maarte pa itong humilig sa bar counter.
"Oo na, Anton. Ikaw na ang pinaka-maganda sa lahat ng anak ko." Biro rin ni Nanay Cora sa anak.
"Ako lang ang anak mo,'Nay! Dapat mas maganda kay Ream para pakak." Inayos na nito ang sarili at maarteng binuksan ang bag nitong maliit. "Picture tayo tapos ilalagay ko sa IG. Kayo rin ni Sei, Ream. Picture rin kayo."
"I'll post it on my social media account too." Poseidon smirked and positioned himself beside her. "Make sure that we both look good."
"Kahit naman bagong gising, look good kayo. Puwera sa mabantot na hininga." Pang-aalaska naman ni Anton. "Game. Dito kayo sa kurtina. Teka. Angle lang ako."
Halos humiga na si Anton sa sahig para lang makuhanan sila ng litrato. Kahit talaga kailan ay napaka-'social media star' nito. Sinisigurado ni Anton na laging maganda ang kaniyang Instagram Feed at maging 'estetik'.
"Bagay talaga kayo. Bakit hindi kayo magpakasal?" Kinikilig na saad pa nito sa kanila. Inirapan niya naman ito dahil nahihiya na siya kay Poseidon.
Hindi naman talaga sila dahil nakisuyo lang si Ream dito para hindi na lumapit pa si Bradley. Hindi naman siguro makapal ang mukha nito para patuloy siyang kulitin kung sila ng kaibigan nito.
"Tama na iyan, Anton. Malayo pa ang biyahe ninyo." Nagpasalamat naman siya kay Nanay Cora na pinigilan na si Anton sa pagkuha ng litrato dahil nangangawit na rin ang pisngi niya sa pag-ngiti.
"Mauna na po kami, 'Nay! Magdadala ako ng sasakyan ko kasi didiretso ako sa Baguio later, sis." Tinignan siya ni Anton at panaka-nakang ngumuso sa direksyon ni Poseidon. "Aalis ako, sis. Like iiwan ko kayong dalawa later. Like alone together kayo."
"Anton!" Pinandilatan niya ito para tumahimik. She doesn't really know how to keep Anton's mouth shut from speaking nonsense.
Lumabas sila sa kaniyang bahay habang si Sei naman ay inaalalayan siya sa pagbaba ng hagdan. Magmula pa noong nanligaw ito sa kaniya ay talagang maalaga na ito. Kahit sinabi niyang hindi niya tatanggapin ang panliligaw, hindi pa rin ito nagpatinag.
He said that he believes that he should show his intentions without her approval. He understands that she is still scared because of her past relationship and he respects her decision. He just wants her to let him be. To let him care for her.
"Sis, una na ako. Antayin ko nalang kayo sa entrance." Ibinaba ni Anton ang bintana ng sasakyan nito.
"Ingat ka sa biyahe. See you." Tinignan niya lang ang sasakyan nito na paharurot na umalis habang inaantay si Poseidon na kuhanin ang sasakyan nito sa parking malapit sa bahay niya.
"I'll drive you there. Is it okay with you?" Masuyong tanong ng binata na lumapit sa kaniya na agad naman niyang tinanguan. "I hope that your ex knows his boundaries."
BINABASA MO ANG
BC # 3: Shattered Chains (COMPLETED)
Любовные романыRandi Ealasaid Abha Maarit "Ream" Lajani was born to be the best. She was used to ace everything. She was taught on how to make everything on her favor. Not until she met the man who shattered her heart into million pieces when they were in college...