CHAPTER 10

1.2K 33 3
                                    

HINDI SIYA kumportable na makasama si Bradley sa isang lugar. Ni hindi niya alam paano iiwasan ang panaka-nakang sulyap nito sa kaniya. Gusto na niya lang makauwi nang matiwasay at kalimutan na nagkadaupang-palad nanaman sila. Tutal yun naman ang gusto niya. Ang mabuhay nang walang Bradley na maaaring sariwain ang sakit na naramdaman niya noon.

"Are you sure you don't want to eat with us? I mean, if you don't mind," Paunang sabi nito nang makababa siya sa kotse. "Nicka cooked a lot. Might as well share it with you so you two can catch up?"

"I can manage. Sorry." She didn't wait for his reply and continued walking to her house.

"Reammmmmm!" Napalingon siya at agad na nagulat nang makita si Noemie na nakangiting papalapit sa kaniya.

The one who stayed with her.

"Nomnom! Hindi mo naman sinabing bibisitahin mo ako. Sana naghanda ako ng pagkain." Niyakap niya ito nang mahigpit at marahang ngumiti.

"Nasabi sa akin ni Nicka," Napatigil ito nang maramdaman ang pagbabago ng emosyon niya. "Pero ayos lang naman kung tayo lang mag-usap. Kung hindi ka pa okay."

Alam naman niya na gustong-gusto ni Noemie na maging maayos sila ni Nicka pero hindi niya alam kung saan magsisimula. Pagpapatawad? Mahirap.

"Ayos lang naman kung," Parang may bumara sa lalamunan niya pero pinilit pa rin niyang magsalita. "Sasabay akong kumain kasama ninyo. Nandoon ka naman."

"Talaga?!" Pawang kumislap ang mata nito bago siya hilahin papunta sa bahay ni Bradley. "Grabe! After all these years, hindi mo pa rin ako matiis."

"You know how much I missed you. Sorry for ditching your wedding," Nahihiya niyang saad. "You know how things affected me."

"It's okay. I understand, Ream. Medyo hindi lang din ako naging sensitive kasi hindi ko agad nasabi sayo na nandoon sila."

"Let's move on," Who am I kidding? I can't, she thought. "Basta ngayon, kakain muna tayo."

Puno ng kaba ang puso niya dahil makikita muli niya ang dating kaibigan. Magmula nang pinutol niya ang koneksyon niya sa mga taong nagdulot sa kaniya ng sakit, wala na siyang narinig pang balita mula rito.

"Uhh, hello..." Nicka awkwardly greeted as soon as they entered the house.

"Nicks! Grabe, nakakasexy pala magzumba everyday!" Nag-beso si Noemie rito kaya hindi niya alam kung gagayahin ko magpapatay malisya nalang sa pagbati nito.

"Nagluto ako ng chicken curry," Sinulyapan siya nito at muli ring umiwas nang hindi niya itinigil ang pagtitig. "Kain na tayo."

Tahimik siyang umupo sa upuan. Hinahayaan niya lang na mag-usap ang dalawa dahil hindi niya rin naman alam kung paano makikisali sa usapan ng mga ito. Gusto nalang niyang kumain nang matiwasay at makipagkuwentuhan saglit kay Noemie bago umuwi.

"Sabay ba kayong nag-board?" Napatingin siya kay Noemie na sinali siya sa usapan.

"Uhh, nauna si Nicka. Civil Engineering na licensure muna ang inuna ko after ng graduation."

"Kamusta pala nung examination? Grabe, muntik na akong ma-late kasi nag-last review ako! Kakaloka!" Agap ni Nicka na ikinatawa niya.

"Buti nga maaga akong nagising 'non 'e. Ang haba pa naman ng pila sa LRT."

"Tapos ang haba pa ng pila papunta sa Mendiola," She laughed when Nicka acted like it is hot and her make-up becomes sticky. "Ganitong-ganito pagpahid ko sa mukha ko non kasi kinapalan ko yung funda. Akala ko naman makakarampa ako."

"Hulaan ko, na-late ka talaga dahil sa make-up?" Tanong niya rito at agad na natawa nang tumango-tango ito na parang bata na nahuli. "Sabi ko na nga 'e. Hindi puwedeng na-late ka kasi di ka agad nagising. Sa make-up 'yan."

BC # 3: Shattered Chains (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon