CHAPTER 13

1.1K 52 18
                                    

AN: Don't be shy to vote and comment because your comments inspires me a lot. Yung one chapter a day kong update, nagiging dalawa or tatlo because of it. 😭
————
LUMABAS si Poseidon mula sa driver seat at umikot para pagbuksan siya ng pinto. Kahit pa noon ay sanay na siyang pinagbubuksan nito ng pinto. Kung naglalakad lang ang green flag, si Poseidon na yata iyon. Minsan nga'y nagtataka siya sarili bakit hindi niya pa ito payagang manligaw ngunit bumabalik siya sa dahilan na natatakot pa rin siya.

"I'll meet Persephone then text me where you are later." Saad nito pagkababa nila ng sasakyan. "We're having a family dinner. Can you join us?"

"Well, I would love to but I need to go to my office." Inangkla niya muli ang kamay sa braso nitong nakaabang.

"Hmm. Are you sure? Dad would love to see you. It's been months since you saw them."

"Okay, then. I'll join you for dinner." Masiglang sabi niya dahil makikita niya muli ang mga taong tumulong sa kaniya dati. "Na-miss ko sila Engineer and Mama Hilda. Kamusta na ba sila?"

"They are both living the life in Canada. You know them. They want to live a peaceful life." Tumango-tango naman siya bilang pagsang-ayon. "After Athena's graduation, she will handle our company here in the Philippines by herself."

"You mean?" Tinaasan niya ito ng kilay. "You won't handle your company?"

"I won't. I can't surpass Athena's passion and I don't like to be in the same place." He said in a as-a-matter-of-fact tone that made her chuckle.

"Oo kasi gala kang tao. I am very familiar with that attitude of yours." Kinurot niya pa ang pisngi nito kung nasaan ang malalim nitong dimple. "Try to stay in the Philippines for a while. I'm sure Athena really misses you."

"I'm planning to. Since I'll be helping you with the Clark Airport project."

Napunta sila sa isang pasilyo kung saan nasaan ang mga college na gra-graduate mamaya. Panay ang pagkuha ng litrato at pag-congrats nito sa isa't-isa. Akmang liliko na siya nang may isang kolehiyala na nakakita sa kaniya.

"Si Engr. Lajani! Guys!" The girl squealed while clapping her hands. "Hello po! OMG!" Nagsimulang magtinginan ang ibang estudyante sa kaniya.

"Puwede pong magpapicture?" Kumikinang ang mga mata nito habang nakatingin sa kaniya.

"Give me your phone. I'll take it." Nakangiting saad ni Poseidon na ngayo'y nakapwesto na sa harapan nila para kuhanan sila ng litrato. "Closer. In 3, 2, 1. Smile!"

"Salamat po, Kuya Pogi!" Kinikilig na saad ng babae sa harapan nila na ikinatawa niya. "I really admire you, Engr. Ream! Looking forward po ako na maging parte ng Lajani Construction Company!"

"About that," She gets her application calling card, exclusively for people she wants to hire. "You can contact that number then tell them that I told you to call that number."

Umaliwalas ang mukha nito. "Maraming salamat po! OMG talaga! Puwede pong payakap? Fan mo rin po si Papa! Construction worker po kasi siya sa sister company ninyo at sinabi niya pong mabait po talaga kayo."

"Really?" Si Poseidon na ang sumagot para sa kaniya. Lumapit ito sa kaniya at bumulong. "See? That's why I fall in love with you every single day."

"Shut it, Sei. Nakakahiya." Mahinang sabi niya at nginitian muli ang babae.. "Thank you so much. If may free time ako, we can eat. Don't worry. I'll get in touch with you."

Muli siyang nagpaalam dito at dumiretso sa backstage kung nasaan ang kwarto para sa kanilang mga alumni speakers. Mamaya na raw aalis si Poseidon sa tabi niya kapag nakapila na rin ang kapatid niyang mukhang na-traffic yata sa EDSA.

BC # 3: Shattered Chains (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon