A/N: Push ko na yung detailed torture kasi next story wala masyadong ganito since pabebe wave si Emine. Char. Hindi kasi siya nambabaril. Parang Siri lang. hehe.
Don't be shy to vote/comment. Pabonus nyo na. Hehe.
**
DINIRETSO na si Xaia sa punerarya dahil napagpasyahan ng ama nito na i-cremate kaagad ang labi at iuwi sa bahay nila sa Laguna. Mukhang hindi pa rin nito matanggap ang sinapit ng anak kaya hinayaan nalang nila itong magdesisyon.Masakit man na hindi man lang nila mapaglalamayan si Xaia ngunit alam niyang mas makakabuting irespeto ang desisyon ng ama nito.
"Aki, can you kidnap Cordoval for me? Bring him in my basement?" Walang emosyon niyang sabi sa kaibigan na naninigarilyo sa tabi niya.
"I was thinking the same thing." Wala ring maulinigan na emosyon sa boses ni Aki.
"Let the justice prevails. Huwag kayong gagawa ng bagay na ikakapahamak ninyo." Paalala ni Chaz na malungkot na nakatingin sa kawalan.
"We are powerful for a reason, Chaz. If the only thing that will make us sane is to get back to that son of a bitch, then I will gladly take that chance." Nanggagalaiti niyang sabi habang nakakuyom ang kamao.
"But we all know that it is against the law! Lalo na kung puwersahan ninyo siyang kukuhanin sa presinto!" Nagsimulang maghurumentado si Chaz para pigilan ang mga kaibigan sa binabalik.
"Kung kaya mong umupo rito habang nabubuhay ang gagong yun, ibahin mo kami, Achazia!" Otomatikong napatayo si Ava at kwinelyuhan ito. "Kung kaya mong tanggaping patay na si Xaia dahil sa gagong yun, puwes hindi kami kasing santa mo! Hindi ako patron ng pagpapatawad!"
"Akala mo ba kayo lang nasasaktan?" Sigaw na sabi ni Achazia at marahas na tinulak si Ava. "Akala mo ba kayo lang? Gustuhin ko mang patayin ang gagong yun, alam ko na kulang pa ang kamatayan para pagbayaran niya 'yun!"
"Stop it. The both of you." Pigil ni Gio sa dalawa na nagsisimula nang magkainitan. "The least thing we should do is to fight."
"Chaz, alam kong may paninindigan ka. Pero namatayan tayo ng kaibigan 'e..." Pumiyok ang boses ni Emine habang dahan-dahan na napaupo. "Kaibigan natin yun, Chaz 'e. Si Xaia 'yun 'e. Mahal natin yung tao. Masalimuot ang pinagdaanan niya, Chaz. Nakita mo naman di'ba?"
"I," Napapikit si Chaz para isipin nang mabuti ang magiging desisyon. Kung sasang-ayon ba siya plano. "I can't let him die. Sorry."
"Then, make him experience hell." Malamig ang bawat bigkas ni Aki sa pananalita. Halata ang babala sa bawat buka nito ng bibig. "Bring him back once we're done. I'm sure we can all hide this mess. Or maybe, act like nothing happened."
Napatingin siya kay Siri na natatakot sa kung ano mang gagawin nila. Alam niyang hindi pa mulat ang iba sa mundong iyon dahil may kaniya-kaniya silang ginagampanan sa Bachelorettes' Club.
Ang iba na kagaya ni Siri, Emine, Achazia, Gio, Kannika at Ava ay walang masyadong alam sa panganib dahil ang mga ito ay pawang nasa likod ng proteksyon nila ni Akilina, Reich, Xaia at siya.
Kung mayroon mang kailangang sumuong sa pisikal na laban kung saan buhay ang nakataya, silang apat ang nangako upang gampanan iyon.
"What do you suggest, Ream? You're a torturer before. Might as well use it now." Kibit-balikat na sabi ni Akilina bago tapakan ang sigarilyo.
"Ah, don't you get scared when you're seeing Ream's eyes glimpse like that?" Saad ni Reich habang nakangisi. "I missed doing something like this with you all. Except for the Orta and Interna. You know what I mean."
"Let's cut off some parts so he won't do it again. Shall we?" Nalasahan niya ang dugo mula sa labi nang hindi namamalayang masyado na pala niya itong nakagat. "Speaking of. Hello, Uncle?"
BINABASA MO ANG
BC # 3: Shattered Chains (COMPLETED)
RomanceRandi Ealasaid Abha Maarit "Ream" Lajani was born to be the best. She was used to ace everything. She was taught on how to make everything on her favor. Not until she met the man who shattered her heart into million pieces when they were in college...