NAKANGITI siyang sinalubong ni Engr. Zeus Calliente at Tita Hilda na mga magulang ni Poseidon. Kakatapos lang ng graduation at pagod pa rin ang paa niya dahil sa sobrang daming nagpakuha ng litrato kasama siya. Maging si Poseidon ay hindi nakaligtas dahil siya ang kumukuha ng litrato. Pero imbes na mainis ay natutuwa pa ito dahil sa dami ng mga taong lumalapit sa kaniya.
Poseidon is really proud of her. From his actions and words. She cannot even remember a day when Poseidon belittled her or even make her feel awful about herself.
"Ream! Gosh, hija. I missed you!" Salubong na bati ni Ms. Hilda at walang sabi-sabi siyang niyakap. Naupo naman silang dalawa ni Poseidon sa katapat na upuan ng mag-asawa.
"Hello, Tita. I missed you too po. It's been months and gumaganda pa po kayo lalo." Tita Hilda chuckled.
"Ate Ream! Grabe, ang ganda mo today!" Niyakap din siya ni Persephone na maganda rin sa ayos nito.
"Congratulations, Persephone! Here. I have a gift." Ibinigay niya ang isang susi at keycard na ikinatuwa naman ng dalaga. "I hope you'll love the place."
"Ate naman 'e!" Mangiyak-ngiyak siya nitong niyakap. Magmula pa noon ay talagang malapit na siya rito. Tinuring niya na ito bilang kapatid. Bukod kila Anton at Nanay Cora, sila Poseidon din ang itinuring niyang pamilya. "Thank you, Ate. As in. You don't know how much it means to me."
"Spoiled talaga sa iyo si Persephone." Agap na saad ng matandang Calliente sa kanila. "Hindi na ako magugulat kapag may kotse na ito o di kaya mansion sa isa sa mga Real Estate ni Akilina Vasiliev sa sobrang spoiled."
"Hindi naman po, Tito. I love to give her things since I see myself on her when I was in her age." Totoo naman na magmula noong magkilala sila noong highschool, naging sandalan na siya nito. Siya rin ang laging kakuwentuhan nito sa mga crush, heartbreaks at kung ano-ano pang girls' talks.
"Ream, huwag mo sanayin itong si Persephone. Pupunta kami sa Canada after a month at hindi ko alam paano niya tutustusan ang high maintenance niyang pamumuhay." Engr. Calliente laughed and pinched his daughter's cheeks.
"Dad, hindi naman ako high-maintenance since wala na kayo para magbayad ng credit card." Pabirong saad nito na ikinatawa naman nilang lahat.
"Hmm. Huwag kang maghahanap ng taga-bayad ng credit card, Persephone. Sinasabi ko sayo. Isasama kita sa Canada kapag nalaman kong may boyfriend ka na." Babalang saad ni Engr. Calliente na ikinanguso naman ng dalaga nitong anak.
"Let him be, Zeus. Malaki na ang anak mo. Hindi na iyan bata para pagbawalan mo sa kung ano-ano," Unlike Tito Zeus, Tita Hilda supports her children no matter what. "Atsaka hindi natin pinalaki si Persophone na hindi alam ang tama sa mali."
"Mom's right, Dad. Persephone is a good woman. I'm sure she'll do just fine here alone." Even Poseidon reassured his Dad. He surely trusts his sister with everything.
"Okay. Then, I won't argue anymore." Tumatawang saad pa nito. "Ream, kampihan mo naman ako. Pinagtutulungan ako ng mag-iina rito."
"No can do, Tito. I also trust Persephone. And I'm here. Poseidon and I will after her. You don't have to worry. Promise." Ream smiled at him as the waiter arrived.
"Anong gusto ninyo?" Engr. Calliente scanned the menu. "Si Persephone kasi ang nagrequest sa Italian restaurant."
"Pasta will do for me, Tito. Any pasta." She requested which Engr. Calliente quickly obliged.
"Okay. Then, one Authentic Salad Gravy." Tumingin ito sa asawa. "How about you, hon?"
"Just Chicken Marinade."
BINABASA MO ANG
BC # 3: Shattered Chains (COMPLETED)
RomanceRandi Ealasaid Abha Maarit "Ream" Lajani was born to be the best. She was used to ace everything. She was taught on how to make everything on her favor. Not until she met the man who shattered her heart into million pieces when they were in college...