KANINA NIYA pa hinihintay na pumunta ang kamay ng orasan bago matapos ang klase niya sa Mechanics of deformable bodies na patungkol sa loads, strengths, at lahat ng applied force sa isang materyales na isang major subject sa programa niyang Civil Engineering.
Tagaktak ang pawis niya habang nakatingin sa lumang orasan na nakasabit sa dingding habang nakikinig sa propesor nila sa asignaturang iyon. Hindi na niya alintana ang init sa CEA dahil sanay na siya roon. Sa halos araw-araw na pamamalagi niya sa mainit sa pasilidad ay wala na siyang pakialam basta't libre ang edukasyon niya.
"Miss Lajani, paki-ayos naman ng mga papel ng kaklase mo," She looked at Mr. Singayan which she quickly obliged even if she wants to run as fast as he could towards the gymnasium "Laban ba ngayon ni Bradley? Diba lilipat na siya ng eskuwelahan?"
"Yes po, Sir." Nahihiya niyang saad dahil hindi pa rin siya sanay na siya ang tinatanong tungkol kay Bradley na nobyo niya.
"Sayang at walang aeronautical engineering dito," Tumikhim pa ang guro na para bang isang malaking pader si Bradley na ayaw nitong banggain "Hindi ko rin kasi alam bakit pa siya rito pumasok. Sana roon nalang siya sa eskuwelahan ng tiyahin niya."
"Pinilit lang din po siyang mag-aeronautical, Sir!" Napatingin naman siya sa kaibigan ni Bradley na si Singco "Malaki-laking stocks nakuha ng papa niya sa Philippine Airlines. Partner company na rin school ng tita niya, Sir."
"Talaga ba? Kaya naman pala lilipat siya," Tumango-tango pa ang guro na para bang naiintindihan ang dahilan ng nobyo "Nako, Lajani. Huwag mo na pakawalan 'yan. Tiyak na matutulungan ka sa civil engineering field ng pamilya nila."
"Sir naman," Inakbayan siya ni Singco at proud na proud na tumingin sa guro. Alam na niya kung anong kasunod ng litanya nito. "Dapat si Bradley ang kabahan. Sa kaniya napunta ang pinaka-matalino sa batch namin!"
"Class valedictorian ka nung elementary at high school, di'ba?" Tanong sa kaniya ng guro dahilan para mahiya siya. Kahit na itinuro ng kaniyang namatay na ina na dapat siya ang laging nasa tuktok ay hindi niya magawang makuha ang kumpiyansa sa sariki sa tuwing tinatanong siya. "Bakit di ka nag-accelerate noon?"
"Uh," Inayos niya ang takas na buhok sa likod ng kaniyang tainga. "Gusto ko pong maranasan maging normal na estudyante, Sir."
"Ikaw pala yung above average ang IQ na pinag-uusapan sa faculty," Natutuwang saad nito na napapalakpak pa. "Nakakatuwa namang makahandle ng kagaya mo. Kaya pala puro ka straight uno."
"Sinabi mo pa, Sir. Tutor nga siya ni Bradley 'e." Tumatawang saad ni Singco sa tabi niya dahilan para matawa rkn ang guro sa usapan.
"Nako, Lajani. Masakit sa ulo ang nobyo mo," Iiling-iling na patutsada ng guro na isa ring guro ni Bradley. "Hindi ko alam may oras pa siyang manligaw kaysa kumpletuhin ang requirements niya."
"Sir, busy lang yun sa karate. Alam ko may laban sila ngayon," Pinasadahan siya ng tingin ni Singco "Bakit hindi ka nanonood?"
"Hindi mo naman sinabi, Lajani," Gulat na turan ng guro sa kaniya. "Sige na at pumunta ka na sa gymnasium. Baka patapos na laban niya."
"Thank you, Sir," Tinanguan niya si Singco at ganon din ang ginawa nito. "Una na ako, Singco."
Ream quickly ran towards the door after getting her things on her chair. Bradley told her not to come because he thought that she needs to focus on her studies. He doesn't want her to get distracted. But again, it is his final competition representing PUP so she doesn't want to miss that chance. She feels so proud about his achievements in karate. She wants to support him in every way that she can.
Ginawa ni Bradley ang lahat para maging mabuting nobyo at gusto niyang suklian iyon. Sinusuportahan soya nito sa lahat kaya marapat lamang na ibalik niya iyon. Wala na siyang hihilingin kay Bradley dahil ito na yata ang pinaka-magalang at mapagmahal na lalaking nakilala niya kahit na medyo hindi siya nito kinakausap noong mga nakaraang araw.
BINABASA MO ANG
BC # 3: Shattered Chains (COMPLETED)
عاطفيةRandi Ealasaid Abha Maarit "Ream" Lajani was born to be the best. She was used to ace everything. She was taught on how to make everything on her favor. Not until she met the man who shattered her heart into million pieces when they were in college...