CHAPTER 21

781 23 8
                                    

MAHIGIT isang linggo na ang nakakalipas nang huli niyang nakita si Poseidon pagkatapos siya nitong inihatid sa bahay niya. Masyado siyang maraming ginagawa at hindi na niya namalayan na isang linggo na pala. Mabuti nalang at inimbitahan siya ng pamilyang Calliente sa opening ng bago nitong firm sa Batangas. Napagdesisyunan niyang dumiretso sa bahay niya sa Batangas dahil ipinahatid na niya si Lareign kay Ria.

For today, she decided to wear a casual suit which she wears everyday whenever she goes to work. She doesn't like skirt or dress because the suit compliments her height and attitude.

"Ream, hija! Mabuti at nakapunta ka. There are some engineers who were looking for you." Salubong ni Tita Hilda nang nakangiti sa kaniya. Ginawaran naman siya nito kaagad ng yakap. "On the way si Poseidon. May isinabay siyang family friend na flight attendant."

"Okay, Tita. Thank you." Nakangiti niyang sagot at tinanggap ang iniabot nitong wine sa kaniya. 

"Maiwan muna kita, Ream. Napakaraming bisita kasi ang pumunta," Lumapit ito sa kaniya at marahang tumawa. "You know your Tito Zeus. He wants to establish a name. As always."

"I understand, Tita. Hintayin ko nalang po si Poseidon." Sagot niya naman dito. Pinisil lang nito ang balikat niya at umalis na para salubungin ang iba pang mga bisita. 

Nagpalinga-linga lang siya habang hinihintay si Poseidon. Kagaya ng nakasanayan, sila palagi ang magkatabi tuwing may dinadaluhan. Kumportable siya sa presensya nito kaya ayos lang sa kaniyang mapag-usapan sila dahil mali naman ang inaakala ng mga tao na nakapaligid sa kanila.

"Poseidon! Anak!" Nagtinginan ang mga bisita nang puntahan ni Tita Hilda ang anak kasunod naman ni Engr. Calliente. "Lorelei, hija. Kamusta ka?" Hindi niya mapigilang makinig sa usapan ng dalawa.

"They are okay, Tita. Mommy told me to give this to you." Nakangiti sabi ni Loreli at iniabot ang isang black paper bag na mukang mamahalin. "She said sorry for not being here. They are doing something about our business in London."

"No, no. It's okay, hija. I understand." Napatingin si Tita Hilda kay Poseidon at pabirong pinisil ang pinsgi ng anak. "I hope my son didn't give you any headache while you're with him for a week."

What? 

Otomatikong napataas ang kilay niya sa narinig. 

"He didn't, Tita. He's actually nice and gentleman." Mahinhing saad pa nito na mas ikinainis niya. Halatang may gusto ito kay Poseidon.

Bakit ba ako naiinis?

"Come here. Ream is already here. She's Poseidon's bestfriend." Natutuwang saad pa ng ginang at inanyayahan ang dalawa sa table kung nasaan siya. "Ream, she's Lorelei. Anak ng family friend namin. Lorelei, she's Engr. Ream Lajani." Napatingin si Tita Hilda sa asawa at nakita dumating pa ang iba nilang bisita. "Mauna na ako. Enjoy the party, mga hija."

Pagkaalis ni Tita Hilda ay binasag kaagad ni Lorelei ang katahimikan. Kahit si Poseidon ay nagulat sa biglaang pagsasalita nito.

"Your name sounds familiar." Ngiwing saad ng babaeng nasa harapan niya na halatang hindi siya gusto. "I think I heard it somewhere."

"Perhaps, you've already read the magazine of their circle. The Bachelorette's Club?" Buong pagmamalaking sabi ni Poseidon na ikinahiya niya. Kahit kailan talaga ay hindi niya mapigilang huwag isipin ang kalokohang ginawa ni Reich. 

"That's it. So you're one of them?" Tinaasan siya nito nang kilay na parang nanunuya. Ngunit agad na nag-iba ang ugali nito pagkaupo sa harapan ni Poseidon. "Wow! That's fantastic."

"Yes, I am." Walang emosyon at simpleng sagot niya. Hindi kailanman niya pinilit na magustuhan ng ibang tao. At sa pananalita nito ay alam na niya agad kung bakit. 

BC # 3: Shattered Chains (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon