CHAPTER 38

743 24 3
                                    

A/N: I don't know kung ilang chapters pa iaadd ko kasi originally dapat 40 lang pero mahirap tapusin sila Ream nang hindi kinakasal so... I'll also explain their looks para maimagine nyo...

KEEP ON COMMENTING & VOTING.

WARNING: SU1C*D3
**
HINALIKAN siya ni Poseidon bago siya bumaba ng sasakyan sa tapat ng bahay nila Xaia. Hihintayin na lamang siya nitong tumawag bago siya sunduin upang masulit ang buong maghapon na kasama ang kaibigan.

"Enjoy with your friends!" Naramdaman niya ang tuwa ni Poseidon dahil sa malaki nitong ngiti.

"I will. See you later, love!" Hinalikan niya muli ito bago kakaway-kaway na nagpaalam sa papalayo niyang sasakyan.

"Wow! New haircut?" Bungad ni Ava pagkababa ng kotse. "Mas mukha ka ng cool. Ewan ko nalang talaga kung hindi ka maging crush ng bayan, Ream."

"Ah, be careful with Ava. She goes both ways." Malamig na sabi ni Akilina ngunit alam niyang nang-aasar lamang ito.

"Late kayo nang thirty minutes!" Sigaw ni Emine mula sa bintana ng sala nila Xaia sa second floor.

"Strict bitch." Sabay-sabay nilang usal bago sunod-sunod na pumasok sa gate.

Halos mapatigil sa pagtratrabaho ang mga katulong na nasa hardin nang makita silang pumasok. Puwede na kasing maihalintulad sa fashion show ang paglalakad nila lalo na ay iba-iba ang kanilang lahi.

Si Xaia ay mahahalata ang pagiging Japanese sa singkit nitong mata at itim na buhok maging ang mala-papel na kulay ng balat nito.

Si Seraina naman ay may katamtamang kulay na bumagay sa kaniyang kulay brown na buhok na palaging nakapusod kaya banat ang mga mata nito na parang pusa.

Si Ream na nakikita ang katangkaran kapag sinama sa mga kaibigan na nasa 5'5-5'9 ang tangkad. Mayroon din siyang kayumangging kulay ngunit mahahalata ang dugong Iranian sa matangos nitong ilong. Maging ang bagong style buhok na maikli.

Si Emine na unang makikita ay ang napaka-ganda nitong ilong maging ang makakapal na kilay na mas nagpaganda sa kaniyang kulay abo na mga mata.

Si Achazia na maihahalintulad sa mga napapanood sa pelikula dahil sa panga nito. Mayroon din itong hugis puso na mukha na mas nakakadagdag sa kulot nitong buhok.

Si Giovanni na may highlights na puti ang buhok na bumagay sa tanned nitong balat. Itinirintas nito sa gilid ang buhok kaya kitang-kita ang makakapal nitong pilikmata. Hindi na nito kailangan ng make-up dahil talagang inukit ang kaniyang mukha na naging modelo.

Si Akilina na makapal ang eyeliner na mas nakadagdag sa pagiging intimidating nito dahil sa all black na suot. Halata rin ang pagiging seryoso sa walang emosyon nitong mukha.

Si Reich na punong-puno ng alahas ang katawan na parang kumikinang lalo na't kitang-kita ang blonde nitong buhok. At si Kannika na naka-white coat pa dahil mukang marami yata itong iniisip. Mabuti na lamang ay siya ang pinaka-maganda sa kanilang lahat, base sa paniniwala nilang magkakaibigan, dahil kahit maraming iniisip ay talaga namang maganda pa rin ito.

Minsan nga'y nagtataka sila na may lahi itong Thai dahil maihahalintulad ang ganda nito sa mga taga-Egypt.

"Xaia! Tito!" Bati ni Ream nang makarating sila sa ikalawang palapag kung saan ay may mini-garden.

"Xaia, kamusta ka na?" Bati ni Ava habang malungkot na nakatingin kay Xaia. Maging siya ay nalungkot din.

"I'm okay, Ava." Xaia smiled, making them smile too. "I missed you all. Sorry for missing out these past few months."

BC # 3: Shattered Chains (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon