MAHABANG panahon ang ginugol niya para sanayin ang puso sa sakit. Maging ang pagpatak ng luha ay hindi na niya magawa. Kung para sa mga walang kuwentang lalaki lang niya iaalay ang mga luhang iyon, mas mabuti nalang na tanggalin nalang niya ang mata niya. Sino ba sila? Hamak na sakit sa ulo at tanging pagkadurog ng puso lang ang alam gawin sa mga babae at binabae.
They think that they have the right to hurt and make women feel unworthy just because they cannot provide their needs. Selfish. They are selfish.
Hinayaan niya nalang ang sarili na pumunta sa bar ni Ava. Kakagaling lang niya roon kahapon dahil sa biglang pag-aya ni Xaia. Hindi niya alam bakit ganoon nalang ang depensa nito sa ginawang kabastusan ni Seudama. Ang walanghiyang 'yon. Gusto man niya kausapin si Xaia ay hindi ito sumasagot sa tawag simula kahapon.
She doesn't want to jump into conclusions but she saw her with Seudama. Xaia doesn't get drunk that easily. She knows that. That's why she's very eager to ask her a question but she reminds herself that her friend will tell her everything. Not now but soon.
"Himala? Hindi mo kasama si Xaia?" Bungad ni Ava na abala sa pag-aayos ng gamit. "Pupunta ako sa bangko. Puwede bang ikaw muna mamahala rito sa bar?"
"Hulaan ko, pogi kikitain mo? Elegante ka tignan 'e."
"Pogi pero hindi para sa akin. Umuwi na si Adam nung nakaraang linggo. Sakto rin na pupunta si Siri para manghiram," Kinindatan pa siya nito at malakas na tumawa. "Ako si Cupid."
"Best friend ka ni Siri. Alam kong alam mo ang kagagahang gagawin ng kaibigan mo."
"Kaya nga pinauwi ko kaagad si Adam. Baka sakaling makalimot ang gaga sa dentistang gago," Umirap pa ito bago isinuot ang sunglasses para gawing headband. "Ayaw kong mastress pero kung ito ang paraan para mabali plano niya, gagawin ko. Hindi kasi yan marunong makinig."
"Typical Seraina." They said in unison and laughed.
"Ikaw na bahala rito. Kailangan na ako 'ron. Magbubukas 'to mamayang 6 P.M. Alam na ng mga trabahante gagawin." Tumango-tango naman siya bago pinanood ang kaibigan na papalabas sa bar nito.
Minsan nalang uminom, nautusan pa.
"Mam Ream, oks na po yung playlist ng DJ mamaya. Ero week po kasi ngayon. Exclusive para sa mga VIP ang bar na may golden card." Kunot-noo niyang binalingan ang babaeng nasa tabi niya.
"Ero week? Golden card?"
"Ah," Kumamot pa ito sa batok at pagkuwan ay nagsalita. "Hindi po ba kayo nasabihan? Sila po yung nakakapag-avail ng golden card for unlimited drinks. Puwede rin po nila gamitin yung third and fourth floor."
"You mean," Lumapit pa siya rito at marahang bumulong. "Sex room?"
"Bedroom lang 'yun, Mam," The girl chuckled and continued to speak. "Pahingahan ng mga nalalasing. Depende na po sa kanila basta ang bar, gusto lang po na maging safe ang customers."
"So open yun for all mamaya? Ano bang puwede kong gawin?"
"Doon nalang po kayo sa may kwarto ni Miss Ava," Itinuro nito ang maliit na balkonahe sa fourth floor. "Maayos naman po ang mga VIP customers. Bihira lang po ang gulo."
"Sisilip nalang ako 'ron? Sure ka ba? Kahit tumulong nalang ako sa pagserve, ayos lang naman sa akin." Hindi siya sanay na walang ginagawa at nanonood lang kaya gusto niya talagang tumulong.
"Ayos lang naman po. Mga bandang alas onse pa naman po dumadagsa ang mga tao. Mayoridad mga kilalang tao." Itinaas niya ang kilay bago muling sumagot.
"May mga kaibigan ba kaming napapadpad dito?"
"Madalas po si Mam Gio. Nagpapabook po rito ng room sa taas. Tsaka nag-iinom. Yung iba naman po minsan lang." Tumango-tango pa siya bago hayaang ituloy ng babae ang paglilinis sa lugar.
BINABASA MO ANG
BC # 3: Shattered Chains (COMPLETED)
RomanceRandi Ealasaid Abha Maarit "Ream" Lajani was born to be the best. She was used to ace everything. She was taught on how to make everything on her favor. Not until she met the man who shattered her heart into million pieces when they were in college...