AUTHOR'S NOTE

848 22 16
                                    

Dear Readers,

Gusto ko lang magpasalamat sa walang sawa ninyong pagsuporta sa Shattered Chains. Sobrang nagpapasalamat ako sa warm welcome ninyo na maging parte ng library ninyo si Ream. Pasensya na rin sa grammar errors. Unedited pa lahat ng stories ko kaya baka matagalan yung pang-apat na story ng series. But I will make time. 

May mga bago akong sinamang concept na mai-explain ko sa mga susunod na stories so stay tuned. :) 

Sana may natutuhan kayong leksyon sa istoryang ito. Kahit yun lang ayos na. HAHA! Nung una talaga dapat si Bradley makakatuluyan niya pero naisip ko na hindi deserve ni Ream na bumalik sa isang manloloko, kahit pa sabihin nating valid, still nanloko siya. Atsaka bigyan naman natin ng hustisya ang pagiging green flag ni Poseidon. HAHA! Alam ko yung iba iniisip bakit hindi sa lovestory masyado nagfocus. Well, I want to give an emphasis kung bakit si Ream ang best girl aside sa crush siya ng bayan. Her love for her friends is way beyond that. They are like family to her. Marunong ding sumimpatya si Ream kaya tinulungan niya si Lareign. I want you all to focus on her. 

Dalawa lang naman ang gusto kong iparating sa mga stories ko. Yung una gusto kong sabihin ninyo na "Gusto ko maging sila" dahil naabot nila ang mga pangarap nila kahit maraming dagok ang dumating sa kanila. At "Hindi ko iyon gagayahin" kaya sinigurado kong nagsisisi ang mga characters ko na ginawa nila yung isang bagay kagaya ni Siri. Ayaw kong mag-romanticize ng kahit ano kaya kahit love ko ang BC Girls, I give what they deserve. Both good and bad.

Sorry din pala sa detailed na mga pangyayari. My story is dark... Please, kung hindi ninyo nakayanan yung detailed dito. I advise you not to read the other stories kasi mas dark ang past nila... Yun lang...


Signing off,

JoseiNoKoe

BC # 3: Shattered Chains (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon