CHAPTER 17

1K 28 2
                                    

ILANG ARAW na magmula noong umalis ang pamilyang Calliente papunta sa Batanes. Pinilit pa nitong makasama siya ngunit hindi talaga puwede dahil sa dami nilang gawain ni Freya. Gustuhin man niyang makasama ang pamilya ay hindi naman niya kayang iwanang mag-isa ang sekretarya na gahol na gahol na sa mga biglaang proyekto.

"Miss Ream, approved na po yung bid natin sa Muntinlupa sa may drainage along Alabang." Tinignan niya ang status ng bid sa laptop niya at nakita ang email ng isa sa mga contractor sa DPWH. 

"Ilan ang calendar days nito?"

"120 Calendar days, Miss Ream. Magpapasa na po ba ako sa munisipyo ng approval para makapagsimula na next month?" Tumango naman siya bilang sagot. Halos wala na silang tulog ni Freya sa sobrang daming papeles na naghihintay ng approval niya. Mula sa mga collaboration projects, housing projects sa gobyerno, high-rise condominium at iba pa. 

"Freya, be sure to get some rest. Okay?" Paalala niya sa sekretarya habang hinihilot ang sentido niya. "Lahat ng may kinalaman sa proyekto ng mga nasa Bachelorettes Club, i-approve mo nalang automatically. Para mabawasan tayo ng gawain."

"Yes, Miss Ream." Saad nito kasabay ng pagtunog ng intercom mula sa guwardiya sa baba. "Secretary speaking. Yes po? May package po si Miss Ream? Paki-security check nalang po then pakiakyat nalang dito."

"What is it?" Napatigil siya sa ginagawa nang maulinigan ang sinabi ni Ria. 

"Nagpadala po ulit si Sir Bradley ng flowers. Itatapon ko po ba ulit?" Nanghihinayang na tanong nito sa kaniya na agad niyang tinanguan.

Alam niyang nadawit lang din si Bradley at gusto na niya ito patawarin pero hindi ganoon iyon nang basta-basta. May katiting pa ring pagmamahal siyang nararamdaman sa puso niya ngunit hindi iyon sapat para patawarin ito. 

Even if it is just for a show, she felt betrayed. He should have told her so they can provide a solution without hurting each other but Bradley refused to do so. She's not a saint who can give forgiveness in a snap after hearing an explanation. That was what she and Poseidon talked about.

"Sayang naman yung flowers, Miss Ream." Malungkot na saad ni Ria sa kaniya.

"Kung gusto mo, you can have it." Akmang babalik muli siya sa trabaho nang sunod-sunod na tumunog ang cellphone ni Ria.

"Miss Ream, nag-text po si Miss Ava about sa get-together ninyo ngayon araw." Sabi ni Ria na ikinatigil niya. 

"What?" Nagmamadali niyang nilagay ang mga importanteng gamit sa loob ng bag at dali-daling pumunta sa pinto. "Ria, cancel all my appointments. Tell them that it is urgent."

"Copy, Miss Ream." Lakad-takbo ang ginawa niya para makapunta sa elevator dahil hindi siya sanay na ma-late sa kahit anong gathering. "Ingat po kayo!" Pahabol na saad nito bago sumara ang elevator. 

Panay tipa lang siya sa telepono ng mensahe sa mga kaibigan. Kailangan niya ring sunduin si Xaia at alam niyang nandoon na iyon dahil kay Katia. Hindi magkamayaw ang paa niya sa paggalaw dahil napakatagal ng elevator. O sadyang gusto niya lang makita ang kaibigan kaya siya ganito ka-balisa?

Pagkabukas ng elevator sa lower ground floor ng kumpanya, agad niyang pinatunog ang sasakyan na malapit lang sa kinatatayuan niya. 

She opened the door of her car and drove to Xaia's Tech Company. It will take her 15 minutes until she arrive on her destination. Ever since they got close, she promised to herself and to Xaia that she will build an empire near her so when her friend needs someone to talk to, she can just drive there easily.

Hindi naman nagtagal ay nakarating na siya sa kinatitirikan ng kumpanya nito. Maraming bumati at marami ring nakakilala sa kaniya. Dali-dali siyang pumunta sa elevator papunta sa top floor. Wala na siyang inaksayang oras at agad na dumiretso sa opisina nito. 

BC # 3: Shattered Chains (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon