CHAPTER 22

685 17 6
                                    

HINDI NIYA mapigilang mag-isip sa nangyari kagabi. Hindi na siya binalikan pa ni Poseidon na ipinagtaka niya. Alam niyang mali na pumatol sa sinabi nito ngunit hindi niya napigilan ang sarili na asarin at ipahiya ito. Pilit niyang pinaniniwala ang sarili na para lamang protektahan ang mga kaibigan ang dahilan niya. 

"Ream, kumain ka na ba?" Nag-aalalang tanong ni Lareign na nakaupo sa lamesa na nasa front porch. "Pinaghanda kita ng pagkain. Nagluto ako ng adobo."

"I'm fine." Ngiti niyang sagot at muling tumipa sa cellphone ng mensahe para kay Poseidon. 

"Kanina ka pa nagbubura ng text." Sabi ni Lareign at umupo sa tabi niya. 

"Hindi ko kasi alam paano kakausapin si Poseidon." Nagugulumihanan niyang saad. "Iniwan niya ako kanina. Hindi naman siya ganito kaya nagtataka ako kung bakit."

"Bakit ka naman niya iniwan?" Agap na sagot nito sabay napatakip ng bibig. "I mean, kung okay lang na i-kwento mo."

"It's about a girl." Panimula niya kasabay ng pag-ngiti ni Lareign. "She was talking about something then I know that she's lying but I want to embarrass her. I don't know what gotten into me but I feel so irritated with her presence."

"Hmm. Hindi kaya nagseselos ka?" Pang-aasar ni Lareign na ikinasimangot niya.

"Me? Jealous? Wala naman akong gusto kay Poseidon. He's too much for me. Too perfect. And I'm broken." Hinawakan niya nang mahigpit ang telepono niya dahil sa pagsikip ng dibdib. "He deserves the best, Lareign. I don't want to drag him into my world. It's cruel. He doesn't deserve someone like me."

Muli nanaman niyang naalala ang muntik na pagkamatay noong nasa misyon siya noong naging FBI Agent siya sa Amerika. Napapikit siya nang maalala ang mahabang sugat mula sa kaniyang likuran. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin ang bawat putok ng bala, bawat saksak at bawat pagpapahirap sa kaniya. Hinding-hindi niya makakalimutan ang naranasan siya sa mga nagdaang taon. Kaya ginagawa niya ang lahat upang iiwas ito sa kapahamakan sa mundo niya.

"I have something to ask." Nakapangalumbaba nitong sa kaniya. "Nagtataka lang ako kasi mabait ka. Friendly? Palangiti? Pero I sense something in you. Something mysterious. Something dangerous." Makahulugan siya nitong tinignan. "People might find you an open book because of your attitude but the people around you can see that you're hiding something."

Kusa siyang napaiwas ng tingin at muling ininom ang beer na nasa tabi niya.

"I can't let people be that close to me." Malungkot niyang sabi. Kahit na gustuhin man niyang lumabas parati kasama ang mga kaibigan niyang kagaya ni Lareign kung saan niya nararamdaman na ordinaryong mamamayan lang siya ay hindi niya magawa.

That is why I swore to myself that I will protect my friends no matter what. No matter what danger awaits me. 

"That's why you keep a distance? From all of us? Away from people's eyes?" Puno ng kuryosidad nitong tanong na tinanguan niya bilang sagot. "Nagtataka ako bakit puro malalaking tao lang ang alam ng publiko na kaibigan mo. Are you somehow protecting us?" Unti-unting humihina ang boses nito nang mapagtanto kung anong ginagawa ni Ream. "Are you diverting their attention to your friends? The Bachelorettes Club?"

"They can handle themselves and they know what I am." Malumanay niyang sagot sa mga katanungan nito. "I don't want to worry you. Isa rin sa dahilan kung bakit ko kayo sinama rito ay para maprotektahan kayo. All of us, Lareign. All of us are in danger and we don't know who," She sighed in frustration. "We don't know who wants to harm us."

"Is your  world that dangerous?" Malungkot pa rin ang boses nito at hinawakan ang kamay niya. "Is that why you are lying to yourself about Poseidon, Ream? To protect him?"

"They can't know who my weakness is, Lareign. I can't afford to lose Poseidon." Pilit siyang ngumiti at sunod-sunod na lumagok ng beer. "He's my bestfriend. And if we'll be something else, I'm sure that my enemies will know who to kill next."

"You're chained, Ream. From your past. And your present." Humilig ito sa balikat niya. "Maybe it's too soon to be attached with you but I really treasure you as my friend already. You saved me."

"I'm not doing this because of Siri. Well, partly. But I do this for you and your babies." Puno ng pang-aalo niyang sagot. 

"Kung hindi ka lang straight, gagawin na kitang girlfriend." Pagbibiro ni Lareign na ikitawa nilang dalawa.  

"I can't, Lareign. Lalaki gusto ko." Hindi niya mapigilang humalakhak. 

"Kung lang, Ream. Hindi ko naman sinabing gagawin ko talaga." Nakasimangot nitong tugon sa kaniya. "Aayusan ko nalang yung buhok mo. Talikod ka." Nagsimulang tirintasin nito ang kaniyang buhok habang kumakanta. "Ang ganda ng buhok mo. Natural bang brown 'to?"

"Yes. It came from my dad. He's from Iraq." Natuwa naman siya nang maalala ang mga magulang.

"Kaya pala maganda ang pangalan mo." Nakangiting sabi ni Lareign. "Ream Lajani. Ang ganda sa pandinig."

"My full name is Randi Ealasid Abha Maarit. In short, Ream." Sabi niya. Napatigil naman ang kausap at gulat siyang tinignan. "Why?"

"Ang haba ng name mo! Ang ganda pakinggan!" Umakto itong nag-iisip at ngumiti nang may pumasok na ideya sa utak nito. "Randi and Ealasid. Although they're not Iraqi or whatsoever at Chinese ang tatay nila, sayo ko sila ipapangalan."

"You don't have to do that." Puno ng sensiridad niyang sabi dahil parang may humaplos sa puso niya nang sinabi nito iyon. 

"Ikaw ang naging tatay nila. Ikaw ang sumagot sa check-up ko. Sa pagtatago ko. Sa bahay na titirhan namin at kalalakihan nila." Naluluha nitong kinuha ang mga kamay niya. "Wala pa akong kayang ibalik pero pangako, balang araw tutulungan din kita gaya ng pagtulong mo sakin."

"Hindi ako humihingi ng kapalit, Lareign. Mamuhay lang kayong masaya ng mga anak mo, ayos na ako. You don't have to do anything but to be happy." Malambing niyang sagot at pinunasan ang mga luha nito. "You've been emotional lately."

"Iniisip ko kasi na kausapin sila Sidney bukas..." Mahinang bulong nito. "Uuwi na sila bukas kaya gusto ko sanang kausapin sila ni Seraina nang maayos. Alam kong masasaktan ako pero gusto ko lang ng closure."

"Then, do it. Isasabay kita bukas pagluwas ko ng Maynila." Agap niyang sagot dito. "Kaya matulog ka na. Gigisingin nalang kita para makarating tayo bago maggabi."

"Didiretso sana ako sa restaurant ni Seraina..."

"Ihahatid nalang kita 'ron. Didiretso rin ako sa burol ng mama ni Xaia." Malungkot niyang sabi. Kakatanggap niya lang ng balita kahapon na wala na si Tita Catherine. Nalulungkot siya para sa kaibigan dahil ilang taon nitong hindi nakita ang ina. "Matulog ka na. Gigisingin nalang kita."

"Salamat, Ream. Ikaw din. Matulog ka na." Malumanay nitong paalala. Pinisil muna nito ang kaniyang balikat at tumayo na. 

Kasabay ng pag-alis ni Lareign ay ang malakas na tunog ng mga kuliglig sa paligid niya dahil sa katahimikan. Hindi niya mapigilang mapaisip nang malalim dahil sa iba't-ibang bagay. Una, hindi niya pa rin mahanap kung sino ang demonyong gumawa ng iyon kay Xaia. Pangalawa, si Bradley na pilit pa rin siyang ginugulo. Pangatlo, si Poseidon na hindi pa rin siya kinakausap pagkatapos ng nangyari kagabi. At huli, ang walang humpay na trabaho na nakabinbin sa opisina.

Dumagdag pa ang pagkamatay ni Tita Catherine na alam niyang lubos na makakaapekto sa kaibigan.

"Why does fate so cruel?" Napatingin siya sa langit na puno ng mga tala. "Mommy, Daddy, they are all I have. Without them, I'll go crazy. I might change."

Pumasok na siya sa bahay at hinayaan ang sariling makapagpahinga. 

Xaia will need you. You have to be strong. 

BC # 3: Shattered Chains (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon