PANGATLONG araw na niyang nagpapahinga mula sa trabaho at pangatlong araw na rin siyang binibigyan ni Bradley ng lutong ulam. Hindi niya alam kung anong binabalak nito pero isa lang ang sigurado siya. Hindi siya magiging marupok sa kung ano mang ipapakita nito.
Whatever he does, she will just ignore it. Even if he's really that persuasive, she will not.
"Nag-iwan nanaman si Bradley ng ulam kaninang umaga," Bungad ni Nanay Cora nang makababa siya galing sa kuwarto. "Nililigawan ka ba 'non? Masasarap ang luto niya."
"Infairness sayo, Ream! Wapak ang beauty. Yummerz ng nagpapadala ng ulam," Pumilantik ang daliri nito nang kuhanin ang fries na binigay ng kapitbahay niya. "Papa-yummy ka sa sarap!"
"Fries lang naman kinain mo," Inusog niya ang platong may laman na ulam galing kay Bradley. "Kayo nalang kumain. Mag-noodles nalang ako."
"Ay? Ang arte, sis? Ganda ka?" She chuckled and just continued eating. "Nag-effort naman si papables. Di mo ba bet? Di ko rin bet 'e kasi mukang ikaw talaga ang type."
"Wala naman akong pakialam sa mga ganong lalaki. Ayos naman akong single. Di ko kailangan ng boyfriend."
Maarteng hinawakan nito ang katawan at natatakot na tinignan siya, "Huwag please! My purity! Hindi tayo talo, Ream!"
"As if naman. Mas maarte ka pa sa akin sa katawan 'no. Sasakit lang ulo ko kapag ikaw boyfriend ko." Inirapan niya ito at tuloy-tuloy na kumain. Gusto man niyang itanggi at isantabi ang pakiramdam na matagal na niyang ibinaon, alam niyang mahihirapan siyang labanan iyon.
But I have to. I need to.
"Kumain ka nalang. Wala akong oras sa mga ganyan. Sasaktan lang naman ako ng mga lalaking yan." Mapait niyang litanya sa kaibigan na tumatawa sa reaksyon niya.
"Huwag kang bitter! Tanghaling-tapat pa, sis. Ang buhok mo baka kumulot sa stress!" Eksaheradang sabi nito sa kaniya habang kinakain ang ulam na binigay ni Bradley "Masarap naman yung luto. Marunong pala siya?"
"Marunong magluto at marunong magloko." Umirap siya kasabay ng malakas na tawa
"You mean?" Gulat na sabi ni Anton habang nanlalaki na nakatingin sa kaniya. "Is he THE ex-boyfriend?"
"Yes. Unfortunately, he is." Payak niyang sabi na parang hindi rebelasyon ang sinabi niya. Why would she give a flying fuck about someone who did not even bother to give a fuck about her before? Asa siya.
"'Nay! Itapon niyo yung ulam na binigay ng gunggong na iyon! Baka kulamin pa tayo!" Dali-daling tumakbo ito sa lababo at niluwa ang ulam na kanina pa kinakain. "Hindi mo naman binanggit na siya pala ang walanghiyang manloloko na iniiyakan mo!"
Tumikhim siya bago muli magsalita.
"Correction, Anton. Iniiyakan DATI."
"Correction, Ream. INIYAKAN PARIN."
"Tigilan na ninyo iyan. Akin na yung ulam at ibabalik ko. Kung alam ko lang na siya yung nobyo mo at pamilya nila ang dahilan bakit ka nalugmok dati, hindi ko iyan tatanggapin." Mapait na sabi ni Nanay Cora. Mukang naramdaman din nito na hindi pa siya handang magpatawad.
Akmang pupunta siya sa kusina para kumuha ng tubig nang tumawag si Ria na nasa opisina. Mukang kanina pa nito siya tinatawagan at ngayon lang niya narinig iyon.
"Miss Ream, mamayang hapon po ang speech ninyo para sa commencement ceremony sa PICC. Kanina ko pa po kayo tinatawagan. Wala po kasi kayong habilin tungkol doon kaya naisip ko na baka po nakalimutan ninyo." Nagmamadaling saad nito na halatang may iba pang ginagawa dahil sa mabilis na pagtipa sa keyboard.
BINABASA MO ANG
BC # 3: Shattered Chains (COMPLETED)
RomanceRandi Ealasaid Abha Maarit "Ream" Lajani was born to be the best. She was used to ace everything. She was taught on how to make everything on her favor. Not until she met the man who shattered her heart into million pieces when they were in college...