HINIHINGAL siyang napabangon mula sa panaginip na nagpasikip ng dibdib niya. Tila bangungot na pinipilit siyang mahatak sa kalungkutan at sakit. Marahan niyang pinasadahan ng daliri ang kaniyang buhok kasabay ng pagtingin niya sa orasan. Alas-syete na nang gabi at hindi pa siya naghahapunan. Kahit gusto nalang niyang humilita, alam niyang hindi siya puwedeng malipasan ng gutom.
She wore her robe as her feet felt the coldness of the floor but she managed to pull herself together. No matter how bad her dream is, she needs to shrug it off. It is all in the past now. The pain, it is still there but it will fade. That's what she believes.
"Levi, what took you so long?" Salubong niya nang marinig ang kaluskos sa kusina. "Ang tagal mong dumating. Natulog ka nanaman yata sa dog house nang matagal."
Malikot ang buntot nito na indikasyon na masaya itong nakita siya. Marahan niyang hinaplos ang balahibo nito at inayos ang collar.
Kung mayroon man siyang kasangga na hindi nawawala sa tabi niya, si Levi yun. Napulot niya ito noong huling kita nila ni Bradley. Ito ang katabi niya noon sa kalsada bago siya mahanap ng kaibigan ng mga magulang niya.
"You've grown so much, Levi," Sumampa ito sa kandungan niya kasabay ng pagdila nito sa kaniyang kamay. "Hindi ka naman ganyan nung kinuha kita sa kalsada. Bakit ang cute-cute mo na? Hah?"
Akmang hahawakan niya ang leeg nito nang sunod-sunod na tumunog ang doorbell. Tinignan niya ang oras at nakitang mahigit ilang oras na pagka-alis nila Anton. Sino naman kaya ang mangbubulabog sa kaniya nang ganitong oras?
Baka delivery sa Lazada. Shopping Galore nanaman si Anton.
"Teka, teka," Binuksan niya ang pinto at otomatikong dumilim ang paningin nang makita si Bradley na nakangiti sa kaniya. "Why are you here? Stalking me? Hindi mo ako madadaan diyan."
Malakas niyang isinarado ang pinto ngunit kumatok ulit ito. Hindi na niya sana papansinin pa ang taong pinanganak lang yata para inisin siya pero nasabi nito ang pakay.
"May pinabili si Nanay Cora na mga halaman. Ihahatid ko lang sana," Napatigil siya at hinablot ang pinamalengke nito. "Nakisuyo rin siyang magluto ako kasi," Kakamot-kamot itong tumingin sa kaniya. "Hindi ka raw marunong magluto?"
"'E ano naman?" Nakasimangot niyang saad habang mariin na nakahawak sa doorknob.
'Nay, bakit mo naman chinismis na hindi nagluluto?!
"Bukas pa naman. Kapag kailangan mo g tulong," Itinuro nito ang magarang bahay na nasa katabi lang nila. "Katok ka lang. Pahinga ko nang isang linggo. Nandiyan din naman si Nicka."
"Nicka? Vertucio?" Puno ng pagtataka niyang usal at mas lalong naguluhan nang tumango ito.
"I know you were friends with her. Well, she doesn't know how to approach you. Might as w---," Dinabog niya ang pinto dahil hindi na niya makayanan ang galit na nararamdaman niya.
Traitors.
Hinawakan niya ang dibdib dahil sa lakas ng kabog ng puso niya. Alam niyang lahat iyon ay nakaraan. Lahat ng nagawa ng mga ito ay tapos na. Pero bakit ganito? Bakit ang masakit? Bakit nakakaubos? Akala niya ayos na siya. Na hindi na ganito ang epekto ng pagtalikod ng mga dati niyang kaibigan. Pagkatapos ng lahat, ni isang pamilyar kamay ay walang tumulong sa kaniya para tumayo.
Who is she kidding? She doesn't even know if they considered her as a friend because she's her. Or because she was Bradley's girlfriend.
"Ream, please open the door. Let us talk. Please." Napansin siguro ni Bradley ang emosyong gustong-gusto niyang itago.
BINABASA MO ANG
BC # 3: Shattered Chains (COMPLETED)
Roman d'amourRandi Ealasaid Abha Maarit "Ream" Lajani was born to be the best. She was used to ace everything. She was taught on how to make everything on her favor. Not until she met the man who shattered her heart into million pieces when they were in college...