CHAPTER 26

729 29 22
                                    

Don't forget to vote and comment on this chapter! Thank you, guys! 💗
-
HINDI na bumalik pa si Poseidon pagkatapos nitong magpaalam na sasamahan si Lorelei sa kung saan mang lupalop na hindi niya alam at sana huwag na itong bumalik. Hindi niya mapigilang mainis dahil ang akala niya ay sasabay ito sa kaniya pag-uwi ngunit si Bradley lang pala ang makakasama niya.

Well, she does not see Bradley romantically anymore. And she is starting to forgive him after he waited for months. She ignored him. Made him a fool. Embarrass him in front of everyone. Yet Bradley still pursues her. She does not want him to be hopeful because she is sure that he is not the one she likes.

"Ream, do you want to grab a food?" Suhestiyon nito habang nagmamaneho. Nagtalo pa sila kanina kung sino ang magdri-drive kaya nagpaubaya nalang siya rito.

"Bradley, don't fucking do what you did before." Nagbababala niyang asik dito. Kung hindi siya pagod ay pipiliting niyang umiwas at huwag pansinin ito.

"I won't. Gusto kong ipakita sayo na ako pa rin yung Bradley na minahal mo." Puno ng sensiridad ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya. "Hayaan mo lang akong ipakita. Hindi naman ako nagmamadali."

"About that," She hesitated but she gathered her courage. She's a straightforward person. She can't let Bradley get mixed signals. "I don't see you as a lover. I mean, I did. Before. But a lot of things happened. Gusto ko ring magmove-on. Mahirap kasi na lagi akong nakakadena sa nangyari. Nakakasawa na rin kasing laging balikan."

"Ream, hindi naman ako nagmamadali." Malumanay nitong sabi habang binabaybay ang daan papunta sa Avascence Bar. "I'm not naive. I can see that. No need to rub it on my face." He chuckled.

"Ayaw kong nagpapaligoy-ligoy. Siguro, alam mo naman 'yon."

"Of course, I've known you for years." He smiled. "And I'm here not just to pursue you but to ask for forgiveness. Paulit-ulit man pero hindi ako mapapagod na ipakitang nagsisisi ako."

"Alright, then." Iminuwestra niya ang kamay. "Let's start anew? Friendship?" Itinaas niya pa ang dalawang kilay. "That's all I can offer."

"Okay. Friends sound good. I can live with that. I have so many things to do to make it up with you so I won't complain." Tinanggap nito ang nakalahad niyang kamay at pinisil iyon. "Let's have a drink, shall we?"

"Yeah, yeah." Tumingala siya at pumikit. Hinilot niya rin ang kaniyang sentido para maibsan ang sakit ng ulo. "I need that. And contact lenses. My glasses are killing me."

"You should. Makapal na masyado yung salamin mo." Tinanguan niya nalang ito bilang pagsang-ayon dahil tinatamad na siyang magsalita pa. Gusto niya muna ipahinga ang utak kahit ngayong gabi lang. Gusto nalang niyang iinom ang mga bagay na nakakapanggulo sa isip niya.

Dumating ang ilang minuto at nakarating na sila sa Avascence Bar. Malakas at dumadagundong na tugtog ang narinig nila kahit nasa parking palang. Alam niyang inaaliw ni Ava ang sarili kaya ganito kabuhay ang negosyo nito.

Tinanggal niya ang dalawang butones para makahinga nang maayos. Maging ang coat niya. Nirolyo niya rin ang long sleeves hanggang sa siko at itinali ang buhok.

"You look so much cooler and manlier than me." Komento ni Bradley na nakatingin sa kaniya.

"News flash, I am cooler and manlier than you." Asar niya rito at pumasok na sa loob.

Malilikot na ilaw ang sumalubong sa kanilang dalawa habang binabaybay nila ang daan papunta sa bar counter kung nasaan ang bartender. Hindi niya pa rin nakikita si Ava kaya hinayaan niya ang sariling tumingin-tingin sa paligid para hanapin ito.

"Umiinom ka ba?" Nilakasan ni Bradley ang boses. "What do you want? My treat!"

"No need!" Sigaw niya pabalik at dinukot ang Black Card. "I have this! They give unli drinks for people who have this card!"

BC # 3: Shattered Chains (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon