CHAPTER 20

863 22 4
                                    

KINABUKASAN, naging abala ang opisina niya dahil sa patong-patong na 'request for approval' lalo na't magsisimula nanaman ang panibagong eleksyon. Maging siya ay nagagahol sa walang humpay na pagtawag mula sa iba't-ibang departamento. Minsan ay gusto nalang niyang tumakbo sa kung saan o di kaya'y magbakasyon sa bahay bakasyunan sa Batangas.

"Miss Ream, nasa baba raw po si Sir Bradley." Nag-aalinlangang saad ni Ria na ikinatigil niya. 

"Tell the guards to drove him away. I have so many things to do." Pagod niyang litanya at marahang hinilot ang sentido. "I have no time for dramas today. Shoo him away, please."

"Kuya Guard, pakipaalis nalang po si Sir Bradley. Hindi po tumatanggap ng bisita ngayon si Miss Ream." Napatingin naman ito sa kaniya at tinakpan ang mic sa telepono. "Lasing daw po, Miss. Hindi raw po alam kung paano paalisin kasi mapilit."

"Oh gosh. Pakisabi na bababa ako." Kahit na pagod at halos walang tulog, pinilit niya ang sarili na kumalma. Ayaw niyang ipahalata na kahit ang katawan niya ay sumusuko na sa walang humpay na trabaho.

Now, I have to deal with this man. Kailan ba ako makakapahinga?

Kinuha niya ang cellphone at coat na nakapatong sa swivel chair. Inayos niya na rin ang mga tapos ng pirmahan para pagbalik ay tatapusin na lamang niyang basahin ang mga natirang bidding form.  

"Ria, kindly tell Chaz to ready herself. I think I need her to drive Bradley away." Sabi niya habang isinusuot ang coat. "Hindi ko na kakayanin kung sunod-sunod na eskandalo ang gawin niya. It taints the name of my company if he's going to do that everyday."

"Copy, Miss Ream." Agap na sagot ni Ria habang patuloy na sumasagot pa rin ng tawag.

Lakad-takbo siyang pumunta sa elevator para tignan kung anong ginagawa ng lalaki sa kumpanya niya. At talagang hindi pa ito nahiya. Pumunta pa talaga ito nang lasing. She does not know why Bradley is desperate enough to make a fool of himself. Is he that desperate?

Tinignan niya ang number sa elevator at napahingang malalim nang umabot siya sa Ground Floor. Otomatikong napatigil ang lahat nang lumabas siya roon. Maging ang nagsisisigaw na si Bradley na pinipigilan ng mga guwardiya ay napatigil.

"Ream! I told you she knows me!" Natutuwang sabi ni Bradley na agad siyang pinuntahan ngunit maagap ang mga guwardiya at pinigilan ito. "Let go of me!" Pasigaw nitong sabi.

"Miss Ream, kanina po 'ho ito nanggugulo. Hindi po namin siya mapaakyat dahil lasing at nagwawala." Paunang sabi ng guwardiya na nakahawak sa kaliwang braso ng binata. 

"Bradley, don't make this hard for the both of us." Walang emosyon niyang saad. "Stop this scandalous act of yours because it's bad for my company's name. For pete's sake."

"Then, tell me that you love me." Naluluhang sabi nito kasabay ng sunod-sunod nitong paghagulgol. "Tell me that you still love me, Ream. Please."

"Ilabas ninyo siya. And," Sinulyapan niya ito na para bang wala siyang pakialam sa kung ano mang gawin nito sa buhay. "Bradley, please. Don't be like this. This will be the last time that I will talk to you. I won't hesitate to file a case, Bradley. Don't try my patience." 

Kasabay ng pagtalikod niya ay ang sunod-sunod nitong pagsigaw ng pangalan niya. Wala na siyang lakas para humarap dito dahil bukod sa lasing ay hindi pa ito makausap nang maayos. 

"Ream!" Isang dalagang naghihikahos ang humabol sa kaniya. "I received your message. I was hesitant to talk to you because of that man."

"Lareign, good to see you. Pasensya ka na ron. Bumaba lang ako para ayusin." Buntong-hininga niyang sabi at inayos ang longsleeves. "What brings you here? Balita ko wala ang asawa mo. Nasa Siargao?"

BC # 3: Shattered Chains (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon