KANINA PA niya tinawagan si Ria na hindi niya makakapagtrabaho sa susunod na linggo para makapagpahinga. Agad naman siya nitong sinang-ayunan dahil ito na rin ang laging nagsasabi na kailangan niyang ipahinga ang katawan sa walang katapusang pagtratrabaho.
She's really hardworking because she values her success so much. It was not easy to attain her goals. She was left hanging, believing that love can rescue her from unending pain. That it can make her happy while climbing her way to the top with Bradley.
But he didn't. He forgot. He broke his promise.
"Himala at umuwi kang bata ka," Salubong ni Nanay Cora na caretaker ng bahay niya at dating kumupkop noong wala siyang bahay na matirhan. "Puro ka trabaho. Hindi ka na natutulog dine sa bahay mo."
"Anong ulam, 'Nay? Grabe. Nagutom ako sa biyahe. Ang layo po kasi ng opisina rito sa bahay. Baka buong araw ang igugol ko sa pagpunta palang sa opisina kung dito ako manggaling." Pagod siyang umupo sa malaking itim na sofa na kakarating palang sa furniture shop na kakilala ni Siri.
"Ang ganda-ganda nga rito sa bahay mo, puno naman ng katahimikan," Naghain ito ng mabangong Adobo sa lamesa na nagpatakam sa kaniya. "Hindi na ako magugulat kung minumulto na rito sa bahay mo."
"Puwede ninyo namang papunta si Anton, 'Nay. Wala rin namang nakatira rito."
"Nako, Ream. Alam ko namang kinukusinti mo si Anton sa kung ano-ano. Hindi magandang magsama kayo sa iisang bahay at baka," Napatigil ito at tumawa. "Pagkukurutin ko kayo sa singit."
"Alam mo namang malaki ang pasasalamat ko sa inyong dalawa, 'Nay. Kulang pa ang nabigay ko para sa tulong ninyo sa akin noong walang-wala ako," Makimi siyang ngumiti at pinasadahan ng tingin ang sala. "Hindi ko maaabot lahat 'to kung wala kayo para kupkupin ako nang pinaalis ako sa ampunan."
"Napakataray ng speech, Ream!" Pumalakpak si Anton na kakarating palang mula sa trabaho. "Gaga ka! Bakit hindi ka umuuwi rito? Grabe, nakakastress magka-bakery. Akala ko mga machong panadero ang nandon. Mga huklubin na customers din pala."
"Ang macho mo yata? Nag-gym ka ulit?" Inabot niya ang ice cream na dala nito at kumuha ng baso at kutsara sa kusina. "Muka kang maton. Bortang beki ba?"
"Oo, 'Te. Betsung ko kasi ganito. Kaysa patpatin tas malalim na eyebags," Tinulungan ba rin siya nitong kumuha ng ice cream. "Para hindi ako mahalata nung mga poging panadero."
"Kung saan ka mas kumportable, anak." Saad ni Nanay Cora at umupo sa dulong upuan.
"Mas gusto ko ganito, 'Nay. Juvae ako pero gusto ko maton. Para rin matakot manliligaw nitong si Ream. Puro negosyante!" Marahan nitong sinabutan ang buhok niya. "Ang haba ng buhok oh. 'Nay, itaas mo ang paa mo. Natatapakan na."
"Hindi na ako magugulat kung ligawan ka nung guwapong binata sa kabila," Saad ni Nanay Cora na nagpatigil kay Anton. "Antonio Jeremiah, ang ngisi mo."
"'Nay naman!" Hinawakan nito ang dibdib na parang nasasaktan. "Bakit hindi mo sinasabi na may kapitbahay tayong pogi?! Edi sana mas ginalingan ko rumampa tuwing umaga."
"Baka masuntok ka lang 'non, Anton," Pang-aalaska naman niya rito na ikinatawa ni Nanay Cora. "O di kaya isipin na puwede kang kasuntukan. Gusto mo 'yon?"
"Okay lang naman," Anton battered his lashes like he's daydreaming. "Basta one punch, one kiss. Sa lips!"
"One punch, one kick kamo. Baka ayain ka pa niyang mag-basketball. Magtaka kasi ang arte-arte mo humawak ng bola."
"Grabe naman 'to! Alam mo namang hindi bola ng basketball ang balls na gusto ko!" Eksaheradang saad nito na nagpatawa sa kaniya. "Charot lang, 'Nay! Magkaka-wrinkles ka sa pagkunot ng noo mo, 'Nay. Maaga kang jojonda!"
BINABASA MO ANG
BC # 3: Shattered Chains (COMPLETED)
RomanceRandi Ealasaid Abha Maarit "Ream" Lajani was born to be the best. She was used to ace everything. She was taught on how to make everything on her favor. Not until she met the man who shattered her heart into million pieces when they were in college...