CHAPTER 32

664 20 7
                                    

A/N: You can follow me on Twitter so we can chitchat :) Hindi ako nangangat! Hmp! 

UN: joseinokoe

TRIGGER WARNING: K1lli1ng - DETAILED. Read at your own risk.

**

MAHIGIT isang buwan niyang pinagplanuhan ang pagsugod sa bahay ng mga kalaban dahil mukang nakatunog ang mga ito sa biglang pagkawala ni Cyjaile at Abha. Buong buwan lamang siyang nanatili sa yate habang panaka-nakang pinapadalhan ni Augen ng pera.

Maraming guwardiya ang nakapaligid sa palibot ng bahay ng mga Descendants. Habang siya naman ay naghahanda kung paano mapapasok ang mansyon at tatakasan ang mga guwardiya.

Ream is used with being alone with missions like this. But today is different. She cannot feel any remorse and just bloodlust. She wants to end this as soon as possible because she is capable of doing so. She was not awarded by being the most reliable FBI Agent for nothing. And she even rejected her admission as a part of US Navy SEALs.

Kung ano mang ikinakaharap niya ay kaya niyang tapusin.

Because that is what I am here for.

"Hi, boys!" Susuray-suray niyang sabi habang may dala-dalang bote ng beer. "Where am I? Oh my gosh! Where am I?"

"Miss, you are not allowed to be here." Saad ng lalaking nakaitim at pinigilan siyang mas makalapit.

"Do not touch me! How dare you!" Sigaw niya habang pinapapungay ang mga mata.

"What's going on here?" Isang matipunong lalaki ang pumunta sa kanila. Mayroong awtoridad sa boses kaya alam niyang ito ang Head Guard. "Who is she?"

"Just a random passerby. And she seems drunk, Sir." Sagot ng lalaki habang inaakay siya.

"Oh! So you're the boss?" Nakangiti niyang tanong at kusang pumunta sa lalaki kasabay ng paglagay niya ng voice bug na nasa ilalim ng bote. "Sorry. Sorry. I feel so dizzy. I thought I was on my street. Sorry."

"You can go now. No one's allowed to be here."

"Oh, yes, yes. I can do it myself. Do not worry!" Nakangiti niyang sabi at pasuray suray na bumalik sa kotse.

Tinignan lang niya ang puwesto ng gate at ng mga guwardiya bago pinaharurot ang kotse sa kabilang kalsada. Halos ilang kanto lang ang layo sa bahay.

Isa-isa niyang kinuha ang baril, army knife, lubid, bomba at kung ano-ano pang kaya niyang dalhin para sa pagsugod. Hindi na siya makaramdam ng takot na ikinangisi niya.

"Ah, I really missed being like this." Nakangisi niyang sabi sabay hiwa sa palad. Nakagawian niya na ito magmula pa noong pumasok sa FBI dahil ito ang tinatawagan niyang sakripisyo upang makauwi nang ligtas.

"Go check the surroundings." Utos ng isang lalaki na nilagyan niya ng bugging device kanina nang umakto siyang lasing.

Lakad-takbo niyang tinahak ang daan papunta sa mansyon habang maingat na nagtatago sa mga pader at puno na nasa paligid. Hinayaan niya ang buhok na nakapusod habang nakasuot ng leggings at hapit ng longsleeves na napapatungan ng bullet proof vest.

Maayos nya ring sinintas ang combat shoes nang magtago siya sa sanga ng puno na medyo malapit sa veranda na nasa mansyon.

"Do the CCTVs work?" Tanong ng lalaki.

"Ah, doing this alone is fucking difficult." Bulong niya sa sarili bago ihagis ang lubid sa veranda. Kusa namang natali ang dulo nito dahil mayroong stick iyon. "Wish me luck."

Mabilis siyang lumundag at iniwasan ang electric fence. Muntik pang sumabit iyon ngunit mabilis niya itong naiangat kasabay ng pag-landing niya sa veranda.

BC # 3: Shattered Chains (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon