MAHIGIT tatlong buwan na ang nakakaraan matapos ang insidente. Hindi muna siya pumasok at pinilit na makita si Xaia ngunit hindi pa rin ito tumatanggap ng bisita.
Maaga siyang nagising para bumalik muli sa trabaho. Gusto na niyang tapusin lahat ng gawain para madalaw kaagad si Xaia ngunit noong nakausap niya ito ay tanging tango at iling lang ang sinagot nito. Napagpasyahan niyang ituloy ang buhay habang gumagawa ng paraan para mapasakamay niya si Kent Cordoval.
Hindi niya matanggap na nakakulong lang ito habang nakabinbin ang kaso sa Korte Suprema na nilalaban ni Achazia. Hindi nalang niya nilunod ang sarili dahil alam niyang lubos na maaapektuhan ang pagdedesisyon niya kung hahayaan niyang pumasok sa utak at kainin ng nangyari ang sistema niya.
"Good morning, Ream!" Nakangiting saad ni Bradley habang may dalang kape na kaagad na tumayo nang makita siya. "I got you a coffee. Gusto mo bang ihatid kita?"
"Wala akong lakas para i-entertain ka." Malamig niyang sabi at tinabig ang hawak nitong kape.
"Ream, I've waited you here." Nakangiti ring bati ni Poseidon na inaabangan siya sa loob ng kotse nito. "We decided for," Isang pilit na ngiti ang ipinakita nito sa kaniya. "Cease fire..."
"Then?" Kunot-noo niyang tanong at naglakad papunta sa garahe niya.
"I have flowers for you." Napadaskol ang tingin niya sa hawak na bulaklak ni Bradley.
"I hate roses." Akmang bubuksan niya ang pinto ng sasakyan ngunit agad siyang pinigilan muli nito. "What?"
"You loved roses before, right?" Gusto man niyang matawa ay hindi niya magawa nang makita ang nagpapaawa nitong mukha.
"She likes tulips, dumbass." Putol ni Poseidon kay Bradley na ngayo'y nakasimangot na. "Right, Ream?" Biglang nagbago ang ekspresyon nito nang tumingin sa kaniya. Kita ang lahat ng ngipin nito dahil sa pag-ngiti.
"Actually, I don't like flowers." Sumakay siya sa sasakyan at pinainit ang makina nito. "Do you know what I like? Sunflowers. Now, get me one." Utos niya sa dalawa.
"Wait, Nicka has one on the garden!" Natutuwang sabi ni Bradley at dali-daling umalis para pumunta sa likod-bahay nito.
"Wait! I'll get one too!" Nagkukumahog naman sa pagsunod si Poseidon na ikinailing niya.
Hindi na niya hinintay na makabalik ang dalawa dahil sinabi lang naman niya iyon para itaboy sila. Alam naman niyang nabalitaan na ni Poseidon ang nangyari kay Xaia dahil naging kaibigan din niya ito. Apektado rin ang lalaki ngunit pinipilit lang din nitong isantabi iyon dahil nag-aalala ito sa kaniya.
Poseidon prioritizes her aside from his family. Despite of not talking for a day, he quickly proved that he cares for her. Maybe, she is the one whose drifting away because she is afraid that she will endanger him.
Hinayaan niya ang bintana na nakababa upang makalanghap ng sariwang hangin. As much as possible, she wants to be positive. Yes, she's angry but her emotion will not be the best option right now. It should be restrained with chains.
"Ream! Why did you leave us?" Nagulat siya nang marinig ang boses ni Poseidon na nakasilip sa shotgun seat habang nagmamaneho si Bradley. "We brought breakfast! Let's eat on your office!"
Inirapan niya lamang ito at tuloy-tuloy na nagmaneho dahil alam niyang maaabutan siya ng traffic kung pag-aaksayan niya ang mga ito ng oras.
"Ream, what do you want for lunch?" Agap na tanong ni Bradley na nakasilip na rin ngunit hindi niya itinaas niya ang salamin ng sasakyan at nanatiling nakatingin sa kalsada.
"Let her be, dumbass!" Asik ni Poseidon at itinulak ang ulo nito.
"Don't fucking touch me!" Pagmumura naman ni Bradley.
BINABASA MO ANG
BC # 3: Shattered Chains (COMPLETED)
RomanceRandi Ealasaid Abha Maarit "Ream" Lajani was born to be the best. She was used to ace everything. She was taught on how to make everything on her favor. Not until she met the man who shattered her heart into million pieces when they were in college...