CHAPTER 7

1.4K 35 0
                                    

ILANG ARAW nang nakakalipas nang huli niyang makita si Xaia. Nagulat siya sa biglaang tawag ni Katia kaya madaling-madali siyang makapunta sa opisina ni Xaia. Hindi naman iyon masyadong malayo sa kaniya kaya ayos lang din namang punta-puntahan ito tuwing wala siyang ginagawa.

Today isn't just for visiting. Her sister, Abrianna, went to her office. Well, she knows how much Xaia envies her sister because of the longing that she feels. Just like her.

"Bestfriend award goes to me. Katia called me. Again. She told me that your sister visited you." Inilabas niya ang syringe na pinatago sa kaniya nito. Buhat nang magkaroon ng matinding depresyon ang kaibigan, siya na ang nag-aalaga rito.

Umiling naman ito at patuloy pa rin sa pagpirma. "Kalmado ako. Di ko kailangan ngayon 'yan."

"Improving. I'm really surprised that you didn't harm her physically." Itinago niya ang syringe at umupo sa sofa na nasa harap ng mesa nito.

"Gusto ko siyang sipain pero kailangan kong maging kontrol sa kilos ko. You know what happened when I punched the old perverted asshole here, right?" Inumpisahan muli nitong pirmahan ang papeles habang siya naman ay prenteng nakaupo.

Tumango naman siya bilang tugon. "Of course, yes. The gossip about you having a mental disorder spreaded like a wild fire shit."

"Hey, sucker. Ano bang ugali ko bago mangyari 'yon? Sobra ba kong nag-iba kaya gusto nyo kong pabalikin sa dati?" Bigla nitong tanong na ipinagtaka niya.

"You didn't threaten nor harm anyone before. Cracking jokes was your hobby. See the difference, sucker? You lost your rainbow-attitude."

Tanging buntong-hininga nalang ang sinagot nito sa sinabi niya. Lingid sa kaalaman ng lahat, hindi naman ganito kaiwas ang kaibigan sa mga tao. Masaya pa itong nakikihalubilo noon ngunit may pagka-prangka kaya iilan lang din ang tumagal na kaibigan nito.

"But I can see that someone's changing you and I'm so happy for that. Continue seeing that guy, sucker. He's good for you." Sabat niya para mas pagaanin ang loob nito. Kahit hindi ito magsalita, alam niyang may nanamagitan dito at kay Xanthrus. Kaya kailangan niyang mas bilisan ang pag-iimbestiga.

Tinignan siya nito na parang nag-aalinlangan. "You think so?"

"I think so. I'll be right next to your building. Give me a call if you need anything." Nagkunwari pa siyang may telepono gamit ang kamay. "Anyway, I can't totally get you. You can just put your syringe here but you don't want to."

Ngumiti naman ito sa kaniya nang malaki na nang-aasar. "Pinapahirapan lang kita, bestfriend."

"Fuck you, Xaia. Really." Itinaas pa niya ang gitnang daliri hanggang sa makalabas sa opisina nito.

Mukang maganda naman ang gising ng kaibigan kaya hindi na siyang nag-abala na bwisitin pa ito. Ayaw niya ring madamay sa pagkainis niya kay Bradley ang kaibigan kaya mas mabuting sarilihin nalang niya muna sa ngayon. May ibang pagkakataon pa naman para magkwento.

"Lajani?" She immediately smiled when she saw Xaia's Uncle entering the building.

"Uncle, magandang araw. Si Xaia po ba ang pupuntahan ninyo?" Tumango naman ito bilang sagot. "Di'ba pinagpahinga ninyo siya?"

"Kakausapin ko lang tungkol sa kaso niya," Sumeryoso ang mukha nito habang nakatingin sa kaniya. "Alam kong hindi ka pa rin tumitigil at ganoon din siya, Ream. Alam natin ang kakayanan ni Xaia pagdating dito."

Kinuyom niya ang kamao at huminga nang malalim, "Opo, alam ko po."

"Kung gusto mong tumulong, pag-isipan mong bumalik sa serbisyo. Mas makakatulong sa kaibigan mo kung alam mo ang sikot ng kaso niya mula sa loob," Matapang at puno ng galit ang mata ng tiyuhin ng kaibigan. "Galit ako, Ream. Galit na galit ako sa taong gumawa 'non sa pamangkin ko. Pero hindi ako papayag na mabulok si Xaia sa kulungan dahil sa galit niya."

"Naiintindihan ko po, Uncle." Mahinang sambit niya at iniintindi ang bawat sinasabi ng matanda.

It's been years since her friend went through hell. She saw how devastated she was. The countless cries, begging the memories to stop. Begging God to hear her pleas.

"Alam kong galit ka pero maging rasyonal tayong mag-isip bago pa tayo ang madiin sa pagkamit ng hustisya," Tinapik nito ang balikat nita at nagsalita. "I'll wait for your letter regarding your application, Ream."

Nanghihina siyang naglakad papuntang parking lot. Bukod sa sarili, isa si Xaia sa pamilyang nahanap niya magmula noong umalis siya sa ampunan. Ito ang sandalan niya noong mga panahong kailangan niya ng kaibigan, ng pamilya. Kaya ganito kalalim ang galit niya.

Her heart went through hell but unlike Xaia, her friend, went through so much more. She doesn't deserve all of these. No one deserves to be hurt like that. To be treated like that.

"Ria?" Agap na sagot niya pagkatunog ng telepono.

"Miss Ream, nandito na yung invitation para sa pagiging speaker mo sa Saturday sa PUP. Magsusulat na ako ng confirmation letter sana."

"Yes. I'll accept the invite. Magsusulat na rin ako ng speech mamaya," Pumasok siya sa driver's seat at pinainit ang sasakyan. "May iba pa bang aasikasuhin?"

"You sound tired, Miss Ream. You should take a rest." Ria suggested but she just smiled. Her secretary became fond of her after years of working under her.

"I'm okay. Migraine lang. Alam mo naman ang mata ko," Pagdadahilan niya na sinang-ayunan naman kaagad ng sekretarya. "Bibili lang din muna ako ng salamin sa mall. Didiretso na ako kaagad diyan pagkatapos."

"Yes, Miss Ream. Ingat po sa daan." Huling saad nito bago niya ibaba ang telepono.

Kailangan niya munang pumunta sa optical clinic na madalas niyang puntahan. Malapit lang naman ito sa kinaroroonan niya ngayon. Mahigit labing-limang minuto lang bago siya makarating sa TRP Optical Clinic. Bukod sa babae ang doktora, may palibreng kwintas pa ito. Palakaibigan din halos lahat ng staff kaya roon nalang niya pinili na magpa-check.

Since she was a child, her vision was unclear. Just like her mother, she was a bit struggling yet she managed to ace the class. She even graduated as class valedictorian when she was in elementary and high school until her parents died.

"Hello, Miss Ream! Paganda nang paganda ang glow mo!" Bati sa kaniya ni Dra. Palmario na agad na nakangiti pagkapasok niya.

"Hindi naman, Doc. Sakto lang," Natawa rin ang doktora sa sinabi niya at inanyayahan siya sa loob kung saan titignan kung nagbago ba ang grado ng mata niya. "Mukang kailangan ko na yata ng bagong salamin."

"Ayaw mo ba ng contact lens? Para maiba naman. Buong buhay mo yata nasanay kang nakalamib. Tas medyo malaki pa gusto mong frame."

"Hindi kasi ako sanay, Doc. Struggle is real kasi kapag nagkakabatian tapos ang layo nila sakin," She chuckled upon remembering what happened before. "My friend was calling me from the other side of the road. Kulang nalang pasingkitin ko mata ko nang sobra para maaninag siya."

"Naiintindihan kita. Kaya nga nag-contact lens nalang ako para hindi sayang ang ganda," Tinignan nito ang mata gamit ang optical apparatus habang siya at nanatiling nakadilat. "Kapag may okasyon ka, sabihan mo lang ako kung anong kulay. Ipapagawa ko kaagad."

"Sumasakit kasi ulo ko nitong nakaraan. Hindi ko alam bakit," Saad niya pagkatapos suriin ni Dra. Palmario ang mga mata niya. "Baka tumaas nanaman kasi."

"Actually, 900 left and 800 right pa rin. Wala namang nagbago." Pagkuwan ay nakinig siya sa payo nito. "I've been reading magazines and articles about you. Alam mo naman fan ako ng mga ganyan. Businesswoman," Ipinakita pa nito ang Business Magazine kung saan siya ng cover nito. "Kita ko na marami kang ganap sa life. Baka sa stress 'yan?"

Naisip niya ang ilang araw na pag-iisip dahil sa negosyo at syempre, pagdating ni Bradley. Kaya hindi siya nagtataka kung bakit stressed siya.

"Baka nga, Dra. Ipapahinga ko nalang siguro para mabawasan kahit papaano."

"Uso naman kasing mag-enjoy, Ream. Wala namang batas sa negosyo na hindi puwedeng magpahinga. Kailangan mo rin yun once in a while." Tatango-tango naman siya sa sinabi nito.

Mukang kailangan niya nga talagang magpahinga kahit isang linggo lang. Siguro mas mabuting umuwi nalang siya muna sa bahay para makapagpahinga.

BC # 3: Shattered Chains (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon