CHAPTER 30

751 30 5
                                    

Special thank you for euree for reading kaya sinipag ako today na mag-4 updates hehe. Don't forget to show your support by voting and commenting because it means a lot to me. Thank you!

KINABUKASAN, napagpasyahan niyang magmanman upang makasigurado sa hinala. Hindi niya rin pinaalam sa mga tao na nasa mansiyon ang pag-alis kaya dali-dali siyang dumaan sa bintana at likod bahay nang walang nakakakita. Masyado na siyang mapaghinala sa lahat kaya't kailangan niyang mag-ingat sa bawat hakbang.

She cannot afford to lose or to die right now. Specially when she has not taken revenge yet.

Mata sa mata. Pangil sa pangil.

Pinili niyang pumarada sa tabing kalsada habang nakasuot ng abaya. Dala-dala rin niya ang isang aso na binili niya para lang makapangmanman.

"Madam, are you new here?" Napatingin siya sa isang guwardiya na magaspang ang pagsasalita ng wikang Ingles.

"Yes, I am." Nakangiting saad niya habang pinagaspang din ang pagsasalita na wari ba'y hindi sanay. Kahit na hindi nakikita ang bibig, alam niyang nakita nito ang nakangiti niyang mga mata.

"You're not allowed to stand here, Madam. You can go somewhere else." Mabait naman siya nitong pinakiusapan na kaagad niyang tinanguan.

"Sorry. Sorry. I get confused sometimes. Do you know the West Gate?"

"You need to take that street then go left, Madam." Sagot nito. Tinuro ng lalaki ang daan sa gilid ng malaking bahay.

"Thank you, thank you." Pinasigla niya ang boses at akmang aalis nang mahigit niya ang sasakyan ni Abha at kasamang nakasakay si Cyjaile.

Ah, I told you not to betray me but you didn't really listen.

Kinuha niya ang susi ng kotse mula sa bulsa para gawin ang una niyang plano ngayo'y nalaman na niya ang dahilan kung bakit nagkaroon ng impormasyon tungkol sa kaniya ang mga kalaban.

Cyjaile knows her and Xaia since they were trainees for the FBI. And she clearly knows how close is she to her friend. It breaks her heart to be betrayed but all she can do is to destroy them piece by piece.

"Good day, Augen." Bati niya sa kausap na may-ari ng bangkong pinagtaguan niya ng pera. "Can I get the original copy of the mansion's title?"

"Who am I talking to?" Nahimigan niya ang nagtatakang tono nito.

"It is Ealasid Lajani."

"Oh," He sounds taken back and shocked upon hearing her name. "Yes, Miss Lajani. You can come to my office right now."

"That's good. Thank you."

Tinanggal niya ang takip sa mukha kasabay ng paghigpit ng hawak sa manibela. Hindi niya lubusang maisip na tama ang hinala dahil sa takot na nakita niya sa pag-akto ng dalawa.

It was supposed to be a joke but based on their actions, they took that as a warning. Too bad she planned further than they imagined. If there are Plan A and Plan B, she made sure to have all the alphabets.

Tinuloy lang niya ang pagmamaneho papunta sa opisina sa isa mga pinagkakatiwalaang abogado na kakilala ni Chaz. Hindi niya rin sinabi kay Abha ang tungkol dito dahil pekeng titulo ang binigay niya para hindi siya pag-isipan. Ngunit sa kabila ng pagbigay niya ng pangngalan, bahay na matitirhan at negosyo, nakuha pa rin nitong ipagpalit ang tiwala niya.

Hindi na rin siya nagulat sa panlaglag ng dalawa dahil kung tutuusin, siya rin naman ang may kasalanan dahil nagtiwala siya sa mga ito.

Lumabas siya sa kotse pagkarating sa opisinang pinagtra-trabahuan ni Augen na isang Australian-Egyptian. Ito ang namamahala sa mga orihinal na papeles ng mga ari-arian niya sa Ehipto buhat noong nanirahan sila ni Xaia roon para matupad ang misyon noon.

BC # 3: Shattered Chains (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon