Yelena's Point Of View
Nakakainis talaga! Umaga na naman and for sure, may pasok na naman. Minsan talaga pati paggising sa umaga kinakatamaran ko na rin. Ang tanging nag papagising na lang yata sa akin ay ang bunganga ng aking nanay.
"Yelena, kanina pa kita tinatawag! Hindi ka pa bumangon diyan!" bulyaw niya sa akin.
Napakamot naman ako habang naglalakad.
"Masakit ho ang ulo ko kaya hindi agad ako nakatayo.."pagdadahilan ko.
"Sabihin mo lang, tinatamad ka pumasok sa school." bigla namang lumitaw ang pinaka pangit na babae sa balat ng lupa. "Alam mo ba 'yang si Yelena, ma. Nakipaghalikan daw kay Kuya Matthew! Yung babaero sa school!" sumbong naman ni Hannah.
Sabay kaming naupo at pinatong naman ni mama ang mga pagkain na niluto niya. Tinuktukan naman niya ako ng sandok sa ulo.
"Aray ko!" reklamo ko.
Tumawa naman si Hannah.
"Panay ka landi!" sambit niya.
"Hindi naman totoo 'yon! Lagi ka na lang naniniwala kay Hannah.." singhal ko.
Nilagyan niya ng kanin ang pinggan ni Hannah. Umaasa ako na gagawin niya rin ito sa akin subalit ang pag-usog ng mangkok lamang ang nakuha ko. Ako ang naglagay ng sarili kong kanin.
Sanay naman na ako dahil simula pa nung bata ako ay ganito na talaga ang trato nila sa'kin. Hindi ko nga alam kung bakit ganito, para bang sinasanay na nila ako na wala akong magiging kakampi sa buhay ko.
"At tsaka alam mo ba, ma—." hindi ko na siya pinatapos bagkus inismiran ko siya at sinipa ang binti niya sa ilalim ng lamesa. Napatingin naman siya sa akin at nag make face lang.
"Hindi na ako magtataka kung mabubuntis ka nang maaga. Mabuti iyon para maka-alis kana rito sa pamamahay ko."sambit naman niya at narinig ko ang pagbungisngis ni Hannah.
"Pabuntis kana, Yelena. Tutal 17 ka naman na, next year sa delivery room kana mag-celebrate ng debut mo. Hahahaha!"Pang-aasar niya at hindi ko na lang siya pinansin.
Ako nga pala si Yelena Ventura, 'yan ang pangalan na binigay ni Mama Jolene—hindi ko siya tunay na nanay. Ang kwento sa akin ni Mama Jo, napulot niya lang daw ako sa basurahan.
BINABASA MO ANG
Enchantment: The Lost Child Of Goddess Dena
FantasyIn a world full of lies, we enter a magical world where many things are unbelievable. Power, magic, vitality, intelligence, and extraordinary love. No one can enter this world unless you have special power and strength, but Yelena Ventura, who has n...