Chapter 9: history

361 20 0
                                    





Vers's Point Of View

Papunta na ako ngayon sa Second Class, naghiwalay kami ni Kei dahil hindi na kami same ng schedule. Umay! Mukhang ako lang mag isa. Nakakahiya huhuhu, nahanap ko na ang aming Classroom.

Pumasok na ako sa loob at naupo na, nasa middle row ako. Nararamdaman ko rin ang pag tingin nila sa'kin sabay ang mga bulungan, tsk! Tusukin ko mga mata ninyo eh! Kung makatingin wagas, mukha ba akong nagbebenta ng pinagbabawal na gamot? Kaimbyerna!

Bigla akong natakot, paano pala kung marunong silang magbasa ng isip katulad ni Ma'am Jane? Edi dedz! Hindi pa ako nakakatagal dito sa Academy na ito kaya bawal pa mamatay. In the middle of my muni-muni, pumasok na ang aming guro. Girl-lalu siya at mukhang mabait.

"Good Morning, Teacher Faith.."Bati ng mga kaklase ko.

"G-good Morning po.."Bati ko rin.

Nahuli ako sa pagbati kaya mabilis na dumapo ang paningin niya sa'kin, hala! Iaalay naba ako ni Ma'am sa engkanto? Jusko! Huwag po Ma'am, maawa po kayo sa'kin! Ayaw ko mabuntis ng kapre!

"So, ikaw ang student na galing sa Earth.."Sabi nito at kumalma naman ako.

Akala ko iaalay niya na ako sa engkanto."Opo.."Sagot ko.

Umupo siya sa kaniyang upuan."Can you tell us, what is the life in Earth?"Sabi niya sabay ayos ng mahabang buhok.

Tumayo ako sa kinauupuan ko, tinignan ko si Ma'am Faith na naghihintay rin ng sagot ko."Maayos naman po Ma'am, Bilang normal na tao, normal din ang buhay ko sa mundong iyon. Ang pinagkaiba lang po, dito po sa Magical World may naging kaibigan po ako sa unang araw pa lang. Sa Earth po, ilang taon po akong nakitira doon ni isa wala akong naging kaibigan.."Sabi ko sabay ngiti.

"Masaya ako na may naging kaibigan ka dito. You can now sit, thank you for sharing us your experience.."Sabi ni Ma'am at ginawa ko naman ang kaniyang sinabi."Do you have your book?"Tanong niya at tumango naman ako.

Itinuro nga pala sa'kin ni Kei kanina ang aming mga locker, at sobrang saya ko naman na may libro nang nakalagay sa sarili kong locker. Lima lang ang libro namin, Sa Arts, English, History, at Potion and Crafts.

"Turn your book on page 106.."

Paglipat ko ng pahina, napangiwi naman ako sa nakitang topic. Napag aralan na namin ito noong Grade 8, at super kabisado ko na itong Subject-Verb Agreement.

"I think, napag aralan niyo na ito sa Earth. Ms--"

"Vers po.."Sabi ko at tumango naman si Ma'am.

"Ms. Vers, so can you stand up and tell me the definition of Subject-Verb Agreement.."Sambit ni Ma'am at naupo sa desk niya.

"Ang hirap naman ng tanong.."

"Walang definition dito sa book.."

"Buti na lang, hindi ako ang natawag.."

Narinig kong bulungan ng mga kaklase ko, hindi pala talaga nila ito napag aaralan? Nakaka umay sa amin, every grade laging itong tinuturo sa amin. Siguro, wala na talagang maituro ang adviser namin kaya paulit ulit na lang.

"Subject-Verb Agreement refers to the relationship between the subject and predicate of the sentence po, Ma'am.."Sagot ko at tumango naman siya.

Enchantment: The Lost Child Of Goddess DenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon