Yelena's Point Of View
"Kuya Jacob! Akin na kasi yung unan ko!"Sigaw ko sa kaniya, nandito ako sa kwarto niya at inis na inis ako dahil kinuha niya ang paborito kong unan.
"Alis!"Sigaw naman niya sa akin, napatingin naman ako sa kama niya--bakit parang may tinatago siya.
'Switch'
Naging invisible ako at pumasok ng tuluyan sa loob ng kwarto niya."Switch"Sabi ko at bumalik ako sa dati, hinila ko ang kumot niya at napasigaw naman ako sa aking nakita!
"Vers! I'm sleeping! Not classy!"Sigaw ni Madam Vien at tinignan ko si Kuya Jacob na halatang nahuli sa akto.
"Tabi kayong natulog!?"Gulat na tanong ko.
"Hindi lang tulog! Hahahaha!"Malawak naman akong napangiti.
Kinuha ko na ang unan ko at pumunta na sa labas, bago pa man ako lumabas ng tuluyan tinignan ko si Kuya Jacob.
"Isusumbong kita kay Grandpa at Grandma! HAHAHAHA!"Pang aasar ko at mabilis na tumakbo pabalik sa aking kwarto.
Mahimbing pa rin na natutulog si Oliver at Olivia, inayos ko ang kumot nilang dalawa at hinayaan lang na matulog sila. Siguro nagtataka kayo kung anong nangyayari sa kastilyo, ilang days na rin ang nakalipas matapos ang manyaring war. Napag desisyunan na nila Mama at Papa na dito na tumira sila Grandpa, Grandma, Ross at Kuya Jacob. Masaya naman ako para kay Ross dahil malaki na ang kwarto niya hindi kagaya noon sa dating bahay, minsan pumupunta din doon sila Olivia upang makitulog sa kaniya.
Maaga pa naman, kaya isa isa kong tinignan ang mga kwarto. Tulog pa sila Nanay Cleofe, sila Grandpa at Ross, dahan dahan akong bumaba at may narinig akong tawanan.
"Ano ba! Huwag ka nga makulit, nagluluto ako."Sabi ni Mama, sinilip ko sila mula sa kusina.
Nakayakap lang si Papa sa likod ni Mama, tapos panay lang ang halik ni Papa sa kaniya. Jusko naman, ang aga aga naglalandian sila.
"Ang aga aga mo magluto, maaga pa masyado..doon muna tayo sa kwarto"Sabi naman ni Papa at kinusilapan naman siya ni Mama.
"Leche, tumigil ka. Sasamain ka sa akin.."Sabi naman ni Mama at malakas na tumawa si Papa.
"EHEM EHEM EHEM!"Sabi ko at pumunta sa kusina, normal lang na naglalakad--kunware hindi ko sila nakikita. Dumiretso ako sa ref at kumuha ng gatas."Baka naman, next year sana may kapatid na akong bunso! Ehem ehem.."Pag paparinig ko at malakas na tumawa si Papa.
"Paano ba iyan, gusto ni Yelena ng bunsong kapatid..tuparin natin ang hiling ng ating anak.."Sabi ni Papa.
Lumapit ako sa kanila at niyakap silang dalawa, kinuskos ko ang mukha ko sa kanilang dalawa."Baby number two, please.."Sambit ko at kinindatan ko naman si Papa.
BINABASA MO ANG
Enchantment: The Lost Child Of Goddess Dena
FantasyIn a world full of lies, we enter a magical world where many things are unbelievable. Power, magic, vitality, intelligence, and extraordinary love. No one can enter this world unless you have special power and strength, but Yelena Ventura, who has n...