Vers's Point Of View
"Totoo nga! Bakit kasi ayaw mo makinig!"Inis na singhal ko kay Kei.
Nandito kasi siya ngayon sa kwarto ko dahil gumamit ako ng spell upang maihatid ang mensahe ko na pumunta siya dito ngayon dahil may chismis ako. Mapagkakatiwalaan naman siya dahil wala siyang pake sa mga chismis na sinasabi ko, pagkatapos din pala ang nangyari sa balkonahe ay umalis na din sila Ma'am Jane at ipinangako ko naman na hindi ko sasabihin sa iba ang nangyaring pag sugod ni Pete dito.
Maliban nga lang dito kay Kei na busy sa Laptop ko, nanonood siya ng movie na Trolls. Halata na naaaliw naman siya kaya hindi niya napapakinggan ang sinasabi ko.
"Hahaha, you look like Princess Poppy.."Pang aasar niya sa akin at malakas ko siyang hinampas.
"Ikaw, kamukha mo yang mahaba ang ulo!"Inis na sigaw ko sa kaniya at tumawa siya ng malakas.
"Itong si Cooper? He's cute..ahh wait. I'm afraid, but you aren't Princess Poppy."Malungkot na sabi niya.
"Eh? Ano ako?"
"Maliban sa tao? Hmm.."Tinignan niya ako at nararamdaman ko na kalokohan na naman ang sasabihin ng tukmol na ito."Si Dj Suki kana.."Sabi niya at natawa naman ako.
"Bakit si Dj Suki?"Tanong ko at mapang asar siyang ngumiti.
"Kasi lagi kang suki sa mga kalaban, hahahahaha!"Napangiwi naman ako, bentang benta naman ang joke niya para sa kaniya dahil ang lakas ng tawa niya.
Nagpagulong gulong din siya sa kama habang hawak hawak ang tiyan niya, sumampa din ako sa kama at tinadyak tadyakan siya sabay hampas ng unan. Nagmamakaawa na siya ngunit hindi ko pa rin siya tinitigilan dahil malakas pa rin ang tawa niya.
"Mas. gusto..ko..si..Pri--..ncess...Po--ppy!"Sabi ko habang hinahampas siya ng unan.
Tumigil na siya sa katatawa at huminto na rin ako, kinuha niya ang Laptop ko at shinot-down na ito. Humiga ako sa kama at tumabi naman siya sa akin, niyakap niya ako ng mahigpit sa aking bewang at sumuksok sa aking leeg. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata habang nasa ganun pa rin kaming posisyon, komportable naman ako kaya hindi ako nagrereklamo.
"I'm relieved you're okay.."Bulong niya sa akin.
Ngumiti naman ako at inihiga ang ulo sa head board ng kama, buti na lang at wala pa sila Papa dito kung hindi shems! Lagot talaga kaming dalawa ni Kei, hindi maganda na makita ang dalawang magkaiba ang kasarian na nasa iisang kwarto baka mamaya kung anong isipin nila!
Kinakabahan din ako at pakiramdam ko sa Delivery Room talaga ako mag de-debut. Well, November naman ang birthday ko kaya hindi ako sa Delivery Room mag ce-celebrate ng birthday at tsaka alam ko naman na walang balak na masama si Kei sa akin dahil kung meron baka masampal ko siya ng yelo.
BINABASA MO ANG
Enchantment: The Lost Child Of Goddess Dena
FantasyIn a world full of lies, we enter a magical world where many things are unbelievable. Power, magic, vitality, intelligence, and extraordinary love. No one can enter this world unless you have special power and strength, but Yelena Ventura, who has n...