Yelena's Point Of View
Umaga na at hindi pa rin ako nakakatulog, kaya itong Yelena niyo bangag na bangag talaga. Paano ba naman kasi yung mesmerizing book at yung isa pang book na nandito ay pag ma may ari ng pamilya namin, at ang malala pa nito nakita kong bumukas yung libro sa Library ibig sabihin sa akin ipapakita lahat ng nangyari sa past.
Ahhh! Paano kung ipakita din sa akin kung paano ako ginawa?! Shems, parang hindi ko kakayanin iyon ah. Nakakapanindig balahibo, hahaha! Pumunta na ako sa banyo upang maligo at kapansin pansin ang mga mata ko, ang laki ng eyebags ko at sa ilalim nito meron na namang eyebags kumbaga dalawang layers ang eyebags ko. Ang kabog diba, kailangan ko na din talaga mag ayos dahil ngayong umaga na mag s-start ang training namin ni Grandma.
Ibang iba ang kaba ko ngayon hindi katulad sa kabang nararamdaman ko kay Grandpa, pakiramdam ko mas malala ang magiging training namin ni Grandma. Siguro magiging masungit na siya sa akin! Parang gusto kong maiyak, nasusuka din ako pakiramdam ko tuloy buntis ako naku! Katok sa kahoy, hindi pwede mangyari iyon sa akin. Patay ako kay Papa.
"Vers, gising kana?"Tanong sa akin ni Ross.
Nagmadali ako sa pag bihis, buti na lang hindi pa siya pumapasok--may ugali kasi si Ross na papasok na lang agad sa kwarto nang hindi kumakatok.
"Nagbibihis ako!"Sagot ko naman.
"Ay, kakain na daw. Maaga kayo magsisimula ni Master Maji"Sambit naman niya.
"Okay!"
Binilisan ko na ang pagbihis, napatingin ako sa kalendaryo at July 1 na nga pala. Parang ang bilis ng araw, namiss ko na iyong isa diyan. Minsan umaasa din ako na dalawin niya ako dito pero paano niya ako madadalaw kung nakatago ang lugar na ito, parang gusto kong umiyak. Hindi din naman ako masyadong marunong sa pag gamit ng portals at hindi gumagana ang portals dito--ayon kay Ross kaya doon pa lang wala na talagang pag asa.
"Tara kain na Vers!"Sabi ni Grandpa pagkakita niya sa akin dito sa hallway, naglakad ako papalapit sa kaniya at nagmano.
Inakbayan niya ako at sabay kaming naglakad papunta kila Grandma na hinahanda na ang mga kakainin, ng makita ako ni Grandma binati niya ako at ganun din ako sa kaniya.
"Excited kana ba sa magiging training natin mamaya?"Masayang tanong ni Grandma at tipid naman akong ngumiti.
"Opo.."Sagot ko naman.
"She's lying.."Inis naman akong tumingin kay Ross.
Takang tumingin sila Grandma sa kaniya."I'm just joking.."Sabi niya at peke naman akong tumawa, nakitawa naman sila Grandpa.
Katabi ko si Ross kaya marahan ko siyang kinurot sa hita, wala siyang reaction kaya kinurot ko ulit siya. Tinignan naman niya ako at ngumiti naman ako, ang hilig talaga mang asar at mandamay ng bwisit na ito. Natapos na kami sa pag kain at nauna na kami ni Grandma habang naglalakad, napansin ko ang pag iba ng aura ni Grandma. Naku, ito naba ang serious mode niya? Kailangan ko na ba magdasal? Mukhang maraming ritwal ang gagawin namin mamaya at literal na kinakabahan talaga ako. Wala pa naman akong tulog at kaunti lang ang nakain ko dahil kinakabahan talaga ako. Pakiramdam ko mamamatay na ako ngayon!
BINABASA MO ANG
Enchantment: The Lost Child Of Goddess Dena
FantasiIn a world full of lies, we enter a magical world where many things are unbelievable. Power, magic, vitality, intelligence, and extraordinary love. No one can enter this world unless you have special power and strength, but Yelena Ventura, who has n...