Chapter 4: library

577 23 0
                                    


Yelena's Point Of View 

Lumabas muna ako sa dorm at naglakad-lakad. Kailangan ko hanapin ang mga paru-paru! Nasa tyan ko lang pala sila--char. Pagkadating ko sa isang poste may nakita akong paru-paru pero ang laki nuya hindi katulad sa mga normal na butterfly, lumapit ako sa kaniya at pasimpleng naglalakad-lakad sa harap niya. Heh, nagmumukha akong timang dito pero hayaan niyo na. 

Pansinin mo'ko please!

"Anong problema mo?"Tanong nito at napatingin pa ako sa gilid kung sino ang nagsalita."Nandito ako sa harap mo"Sabi ulit nito at pagtingin ko sa harap ang malaking paru-paru pala ang nagsasalita. 

Bumwelo na ako para magsalita ngunit naunahan niya na ako."Sa tingin ko, gusto mo malaman ang daan papunta sa Library"Sabi niya at tumango-tango ako."Wala ka bang boses? Hindi ka nagsasalita"Pagpapatuloy niya at natawa naman ako. 

"Nahihiya lang po ako makipag usap, so. Pwede niyo po ba ituro sa'kin ang daan papunta sa Library?"Tanong ko sa kaniya at itinigil niya na ang pagbabasa sa kaniyang libro. 

Tinaasan niya ako nang kilay at ako naman ay umiwas nang tingin, mukhang hindi niya sa'kin sasabih--.

"Aking mga anak! Ituro niyo sa babaeng ito ang daan papunta sa Library. Ngayon na!"Sigaw niya at ilang segundo lang ay may naglabasan na mga paru-paru! Ang dami nila at ang gaganda nang mga kulay!"Sundan mo lang sila, sana magkita na kayo ni Kei.."Sabi niya at kumindat. 

Umalis na siya at hindi pa din nag si-sink in sa'kin ang sinabi niya. Nabasa niya ba ang isip ko? Imposible kasi ang sabi ni Ma'am Jane siya lang ang may kaya nun, pero malaty natin baka alam din nila magbasa nang isip. Itinuon ko nang pansin ang libo-libong paru-paru sa harap ko, namangha ako nang makita ko na nag form sila bilang arrow. Sabay sabay silang lumipad at sinundan ko naman sila habang nakatingin sa himpapawid, ang saya naman neto! Para akong humahabol sa mga butterflies! 

Ilang minuto lang ay nagsialisan na sila, kumaway ako sa mga ito at nagpasalamat. Laking tuwa ko naman nang bigla silang nag form nang puso. Tumingin na ako sa harapan ko at ito na, ito na ang Library? B-bat parang tindahan lang nang bulaklak? Niloloko ba ako nang mga paru-paru na iyon? Naku malilintikan sila sa'kin kung nagkataon na maling direksyon ang binigay nila sa'kin.

Mas lalo pa akong nainis nang mahawakan ko ang door knob, ang alikabok kasi at ang dulas pa! Dahan-dahan kong pinihit ito gamit ang aking kamay. Kahit na dahan-dahan ang pagpihit ko nakakagawa ito ng malakas na tunog! Ano ba yan, may kalawang na ata ang bakal bakit hindi nila lagyan nang langis para dumulas at maiwasan ang maingay na tunog. Nakakapikon! 

Matagumpay akong nakapasok sa loob at napanganga sa nakita ko! P-paano nangyari yun?! Ang laki! Ang laki ng lugar, grabe! Umaabot na sa kisame ang kataasan nang mga bookshelfs at makakakuha ka lamang nang libro doon kapag gumamit ka nang mahika para lumutang! Dapat pala sinama ko si Ma'am Jane dito, nag ikot-ikot pa ako at sa pinaka gitna may nakita akong isang malaking libro na nakapatong sa isang gintong lamesa. Kakaibang lamesa ito mataas at ang tanging nakapatong lang dito ay ang malaking libro na tinutukoy ko. Mukhang pribado din ito dahil may mga signs na bawal umapak sa gitnang iyon. 

Nakita ko sa gilid nun ang mga pangalan nang mga hindi ko kilalang tao, pumunta ako sa mga larawan na iyon at binasa ang mga pangalan nila. Nakalagay din dito ang mga powers o magical abilities, ang pangalan nang pinakauna ang binasa ko. 

"Raiden Rai Denvers, power--fire. The protector and savior of Magical World, still ruling the Kingdom"Mahinang bulong ko."Danica Kristen Reed-Denvers, power--ice and frost. Wife of Raiden, still missing"Pagkabasa ko nun medyo bumigat ang pakiramdam ko, nakakalungkot naman. 

Enchantment: The Lost Child Of Goddess DenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon