Vers's Point Of View
Naging masaya ang gabi ko kasama sila Zale at Riley. At ngayon, hinatid ko sila pauwi sa dorm. Balak pa sana namin maglaro pero ang sabi ni Papa kailangan namin mag training ngayon para magamay ko din ang kapangyarihan ko. Hindi pa nga kami agad nakatulog ng maaga dahil nanood sila ng cartoons na Power Puff Girls at tsaka niyaya ko pa sila maglaro doon sa hall. Maluwag kasi doon at walang kagamit gamit, pwede siyang gawing Ball Room. Naglaro kami gamit ang snow, ang tubig naman ni Zale ay ginagawa kong yelo at ang kapangyarihan naman ni Riley ay hindi niya magamit.
Baka daw kasi masira yung kwarto, mapagalitan pa kami. Hindi pa sana kami titigil kung hindi lang kami nakita ni Papa, akala ko mapapagalitan kami pero ang cool ng papa ko--sumali pa siya sa amin. Ang ending, ito bangag at ang laki ng eyebags namin.
"Salamat nga pala sa breakfast.."Walang ganang sabi ni Riley.
Halatang naantok pa rin siya, si Zale naman gumamit pa ng magic spell para ma-manipulate ang kapangyarihan niya. Nagmistulang kama ang tubig, ang nakakatawa pa dito. Nakatulog na si Zale habang buhat buhat siya ng tubig--na mukhang kama.
"Ako na ang bahala kay Zale, goodluck sa training mo"Sabi ni Riley at niyakap ko naman siya ng mahigpit.
"Salamat! Sige, mauuna na ako. See you around!"Sambit ko naman habang naglalakad paalis.
Kumaway ako at ganun din ang ginawa ni Riley, masaya akong naglalakad nang kusang huminto ang mga paa ko sa Library. Napatingin ako sa malahiganteng orasan dito sa parke, maaga pa naman eh. Siguro dadaan muna ako dito sa Library, ilang days na din simula ng makaapak ako sa loob.
Pumasok ako sa loob and as usual tahimik pa din ito, pumunta ako doon sa pinaka gitna na kung saan nakalagay ang mga names ng Top 5. At kabog! Nakalagay din ang picture ko dito, kulay blue at puti ang buhok ko--nag picture nga pala ako kahapon upang mapalitan na din ang ID ko.
"Ang ganda mo naman girl.."Sabi ko at hinawakan ito, napatingin ako sa ibaba nito at nakatala ang pangalan ko.
Name: Yelena Devika Reed-Denvers
Code Name: Vers
Family back round: Father- Raiden Rai Denvers. Mother- Danica Kristen Reed-Denvers
Powers: Ice
Ang kabog naman talaga, buti na lang mukha akong dyosa dito sa larawan ko. First time ko lang din na madisplay ang mukha at status ko, pakiramdam ko tuloy artista ako. Enebe ehe!
Akmang aalis na ako ng makaramdam ako ng kakaibang presensiya, para bang hinahatak ako ng kung sino. Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko ang malaking libro na nakapatong sa gintong lamesa. Lumapit ako dito, hindi ako makapunta dahil dati signs lang ang nakapalibot dito pero ngayon may nakaharang na salamin na sa harap, likod at magkabilang gilid.
Bakit kaya nila ito isinarado? Siguro dahil sa lamesa, gawa sa ginto at baka manakaw pa ito. Namangha naman ako ng mistulang bumukas ang libro at ang mga pages ay gumalaw--animo'y hinahanginan. May magic din pala ang librong ito! Ang kaninang mabilis na paglipat ng mga pahina, ngayon ay nagiging mabagal na--mas lumapit ako dito at nakita ko na walang bahid na sulat ang mga pahina.
BINABASA MO ANG
Enchantment: The Lost Child Of Goddess Dena
FantasyIn a world full of lies, we enter a magical world where many things are unbelievable. Power, magic, vitality, intelligence, and extraordinary love. No one can enter this world unless you have special power and strength, but Yelena Ventura, who has n...