Chapter 1: portal

960 34 0
                                    


Yelena's Point Of View

Ano raw!? Paano nila nalaman ang tawag ko kay Mama Jolene? Nakakagulat naman! I can't believe na makakaramdam ako ng excitement dahil sa simpleng letter lang na nabasa ko. 


Tinignan ko pa ang laman ng box at nakita ang maliit na mapa. Sa una, wala itong sulat ngunit unti-unting gumuguhit sa papel ang isang daanan papunta sa tinutukoy na academy. 


"Wait.." bulong ko nang mapansin na hindi lang ang academy ang nakita ko—pati ang mga kabahayan... at isang kastilyo! Magic nga talaga!


"Nananaginip lang ba ako? Totoo ba ito? Feel ko ito na ang side effect ng mga nangyari kanina! Ah! Hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko." inis na singhal ko. 


Inayos ko na lamang ang aking bag at doon nilagay ang mga natanggap kong mga sulat mula sa box. Syempre, nilagay ko rin ang mapa na binigay. Ang tanong, kailan ba ang simula ng klase roon? 


"You can come there tomorrow, if you want.." sabi ng isang babae na bigla-bigla na lang sumulpot sa kwarto ko. 


Sa sobrang gulat ay akmang tatawagin ko na si Mama Jo nang biglang kusang huminto ang aking katawan. Hindi ako makagalaw! Tanging mga mata ko lamang ang nakakagalaw, biglang lumapit sa akin ang babae at hinaplos ang aking pisngi. 


Bumuntong hininga siya."Nevermind. My name is Gwen Janey Lopez. My code name is Jane, isa ako sa magiging teacher mo sa Enchantment Academy.." pagpapakilala niya. 


"Hello po, Yelena Ventura po pangalan ko—pwede niyo na po ba akong pagalawin? Totoo po ba itong nangyayari sa akin, hindi ako nananaginip!?" tanong ko. 


"Ganiyan ka muna habang hindi pa ako nakaka-alis. Oo, totoo ito. Gusto mo patunayan ko pa?" tanong niya at akmang susuntukin ako. 


"Naniniwala na po ako, hehehe! Concerned lang po ako! Baka po pumasok yung mama ko—"


"Don't worry, naka-pause rin siya" sagot niya na ikinagulat ko.


"Hindi po ba niya mahahalata?"


"Hindi. I'm thankful na hindi ka natakot sa akin. Nagulat lang hahaha! By the way nandito ako para sabihin sa'yo na ako ang magiging kasama mo sa pagpunta sa Enchantment Academy kaya hindi mo na kailangan yung mapa na ibinigay sa'yo ni Zel.." sabi niya. 


"Sino po si Zel?" tanong ko. 


"Teacher din sa academy. Siya ang nagbigay ng mapa pero hindi siya ang nagsulat ng letter. Can you tell me, what power or magical abilities do you possess?"


"P-po? W-wala po akong powers at magical a-abilities" utal-utal kong sagot at halata ang pagkagulat niya. 


"Wait, what? So why did they invite you? Hmm..I think may magical abilities ka or powers pero late mo lang siya ma de-develop. Imposible, imposible na magkamali ang E.A patungkol sa mga estudyante na pipiliin nila." sabi niya at mas lalong lumapit sa akin—halos mahalikan niya na nga ako eh.

Enchantment: The Lost Child Of Goddess DenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon