Chapter 33: birthday

233 14 0
                                    





Vers's Point Of View 


Naghahanda ako ngayon ng maisususot dahil birthday ni Ban at may party na magaganap mamaya. Nagpaalam ako kila Papa pero parang walang saysay ang pag pa-paalam ko dahil inimbitahan din pala sila ni Ban. Kinakabahan pa ako kung ano ang sasabihin ko, madaming dahilan ang pumasok sa isip ko at nag o-overthink talaga ako. Legit! 


"Sasama kami, Ate?"Tanong naman ni Oliver. 


"Kung gusto niyo.."Sagot ko naman at nag-'yehey!' naman siya. 


"Sama tayo, Olivia!"Napatingin naman ako sa dalawa, tipid na ngumiti si Olivia sabay tango. 


"Mamaya pa naman iyon, maligo at mag bihis na rin kayo.."


"Okay po!" 


"Ate..bak..it..na..ka..bi..hiska..na..?"Tanong ni Olivia sa akin at napa-'ahh' naman ako. 


"Bibisitahin ko lang ang Mama Jo at Hannah ko, yung dalawang babae na kasama ko sa picture."Sagot ko. 


"Sa..an..sil..a?"


"Wala na sila.."Sagot ko at nagulat naman ako ng bigla niyang hawakan ang pisngi ko. 


Kinuha ko ang kamay niya at hinalikan ito."Ligo kana rin, pagkatapos ni Kuya Oliver mo.."Sambit ko at tumango naman siya. 


Kinuha ko na ang maliit na bag ko at nag bigay pa ng kaunting bilin kay Olivia bago lumabas ng kwarto, naglakad na ako at nakasalubong ko pa si Nanay Cleofe na nag aayos din. 


"Saan ang punta mo, apo? Ang aga pa ahh.."Sabi niya at ngumiti naman ako. 


"Pupunta po muna ako sa sementeryo.."Sabi ko, napatingin ako sa gilid niya at doon nakita ang bulaklak na binigay sa kaniya ni Dena. Hindi pa rin ito nalalanta. 


"O siya sige, mag iingat ka ahh..pakamusta mo na din ako kila Jolene at Hannah.."Sambit ni Nanay at napangiti naman ako. 


Niyakap ko siya bago umalis, naglakad na ako patungo sa plaza. Bibili muna ako ng dalawang bulaklak na maaaring ilagay sa puntod nila, paglabas ko sa Flower Shop nakasalubong ko si Zale na nakabihis na rin. 


"Wow! Flowers!"Sabi niya at napangiti naman ako.


"Dadalawin ko si Mama Jo at Hannah.."Sabi ko at napa-'ahh' naman siya, yumapos siya sa aking braso. 


"Tara, sasamahan kita!"Sabi niya at napangiti naman ako. 


"Bili muna kaya ako regalo para kay Ban?"Tanong ko sa kaniya. 


"Mamaya na, mahihirapan ka dahil marami kang dala. Gamit na lang tayo portal para makabalik ulit dito sa Plaza--or hindi kaya sa Mall na lang tayo bumili?"

Enchantment: The Lost Child Of Goddess DenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon