Chapter 22: true significance of pain

260 18 0
                                    





Vers's Point Of View


Kagigising ko lang at wala na agad si Nanay Cleofe sa tabi ko--ang aga naman niyang nagising. Dumiretso ako sa banyo upang mag hilamos at pagsipilyo, ang ganda ganda ko naman! Ang fresh ko tignan--sino ba naman ang hindi kikiligin kapag nakita ang ganitong klaseng ganda. Bwahahahaha! 


"~I have always been a fortress, cold secrets deep inside~"Kanta ko habang inaayos ang higaan."~You have secrets, too. But you don't have to hide~"Bago lumabas inayos ko muna ang buhok ko, nakabestidang puti nga lang pala ako--alam niyo yung damit ng mga mental. Ganun, nabaliw na ako sa sarili kong ganda! 


"~Show yourself, I'm dying to meet you..Show yourself, its your turn~"Lumabas na ako ng kwarto habang kumakanta."~I have always been so different, normal rules did not apply. Is this the day? Are you the way? I finally found out why?~"


"~Show yourself! I'm no longer trembling, Here I--am,  I've come so far!~"Ang ganda ng echo dito sa second floor, maluwag kasi tapos tahimik pa. "~You are the answer I've waited for..all of my liiiiiiifeeeeeee! Oh, show yourself. Let me see who you are..~"Feel na feel ko talaga itong kanta ni Elsa, nag ha-hand gesture pa ako animo'y nag co-concert talaga. 


"~HmmmMhhmmm, come, my darling, homeward boouuunnddddd, I am foooouuuuuunnnnddddd!~"Bumaba na ako sa hagdan."Show your self, step into the power~"Pahina ng pahina ang boses ko ng may marinig akong nag uusap sa sala. 


"Throw yourself, into something...new..--."Sumilip ako at nakita ko sila Papa--kasama si Ate Amaya! 


Nandito din sila Nanay Cleofe, Ma'am Jane at ang mga ibang teachers. Napatingin ako kay Papa--malungkot siya! Bakit kay--. 


"Kailangan pa rin natin sabihin kay Vers, tungkol sa nangyari sa kumupkop sa kaniya.."Sabi ni Nanay Cleofe. 


Kumupkop? Si Mama Jo? Anong nangyari sa kanila ni Hannah?


"Anong pangalan ulit ng mga pinatay ni Lucious?"Narinig kong tanong ni Tito Vin. 


Napatakip naman ako sa aking bibig, kung ano ano ang pumapasok sa isip ko ngunit mas pinipili kong alisin ito. I-imposible, h-hindi pwede ito. Nanginginig ang buong katawan ko, nangingilid na rin ang mga luha ko na nagbabadyang lumabas. 


"Jolene Ventura and Hannah Ventura.."Sagot ni Ma'am Jane. 


At nagsilabasan na nga, bumigat ang pag hinga ko at napahawak naman ako sa aking puso. Nanginginig ang mga labi ko at hindi ko namapigilan ang mga luha ko, hindi pwede! Imposibleng patay na sila Mama! Tinakpan ko ang aking bibig, baka marinig nila ang paghagulgol ko. 


"Na saan na ang katawan?"Tanong naman ni Nanay. 


"Nasa Enchantress Cemetery na po, Ma. Hindi pa sila naililibing--kailangan muna makita ni Vers ang pamilya niya.."Sagot naman ni Papa. 


Enchantment: The Lost Child Of Goddess DenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon