Vers's Point of View
Tumawa ako nang malakas para hindi maipakita sa kaniya ang totoo kong nararamdaman, sumabay din siya sa pagtawa pero mahina.
"Pa fall ka nga talaga, hinihintay na ata nila tayo.."Sabi ko at ngumiti naman siya.
"Yeah, right. I'm not pa-fall, I'm sincere.."Sambit niya.
"Dami mong dada, paandarin mo na itong walis mo"
Tumango siya at pina andar na nga ang walis niya, ilang minuto lang nandito na kami sa harap ng Mall at nakakagulat dahil transparent ito, nakikita ko ang mga tao mula dito sa pwesto ko. Bumaba na ako sa walis ni Kei at naunang naglakad papunta kila Zale.
"Ang tagal niyo.."Sabi ni Ban.
"Ang tagal kasi mag maneho ni Kei"Pagdadahilan ko at natawa naman sila.
Sabay-sabay kaming pumasok sa loob at wow! Kakaiba naman ang Mall na ito, may water falls pa kasi tapos nanggagaling ang tubig kung saan. Ang mga puno naman, medyo gumegewang-gewang animo'y sumasayaw. Hinawakan ni Riley ang braso ko, dumiretso kami sa isang Restaurant. Medyo kinakabahan ako, wala akong ka pera-pera. Mukhang mahal dito. Nakakaiyak!
"Ililibre kita, huwag ka mag-alala.."Bulong sa'kin ni Riley at napangiti naman ako.
Libre? Libre daw! Ang swerte ko naman ngayon haha!
"Six seats please.."Sabi ni Asher sa babaeng crew.
"Okay, sir.."Tumango siya at tumingin sa mga bakanteng upuan, bigla nalang nagsiliparan ang anim na upuan papaunta sa aming pwesto. Sunod naman ay ang isang malaking lamesa, ginamit ng crew ang kaniyang kamay para maipunta din ang lamesa dito sa pwesto namin.
Kumunot ang noo ng crew habang may tinitignan, galing sa kusina nagsiliparan papunta sa'min ang mga kagamitan katulad ng plato, kutsara, tinidor at baso. Kasama na din ang table clothe, isang flower vase at dalawang maliit na candles. Napapalakpak naman ako sa sobrang pagkamangha, umupo kaming lima at napansin ko ang mga maliliit na langgam na nagtutulong-tulong upang buhatin ang Menu board. Ngumiti ako sa mga ito at kinuha ang Menu board, inabot ko ito kay Zale habang ang isa pang Menu board ay na kay Asher.
"Meron na akong napili para sa'kin.."Sabi ni Zale.
Inabot niya sa'kin ang Menu, at ngumiti na lamang ako. Tinignan ko ang mga pagkain at halos matanggal na ang mata ko sa sobrang pagkagulat.
Unicorn Head Soup.......................................250.00
Snake Head Soup.........................................250.00
Pig Head Soup.........................................245.00
Frog Soup..................................155.00
BINABASA MO ANG
Enchantment: The Lost Child Of Goddess Dena
FantasyIn a world full of lies, we enter a magical world where many things are unbelievable. Power, magic, vitality, intelligence, and extraordinary love. No one can enter this world unless you have special power and strength, but Yelena Ventura, who has n...