Chapter 26: identical

255 18 1
                                    





Vers's Point Of View 


AWKWARD! Kami naba ni Kei? Diba dapat liligawan niya muna ako? Masyado ata akong nag pa-easy to get! Kaso nga lang, kami naba talaga? Kasi nag kiss na kami, edi ibig sabihin kami na! Nababaliw na ako dito at hindi ko alam kung ano ang ire-react ko, tahimik din siya habang naglalakad kami. Hindi kasi namin pwede gamitin ang portal sa crowded places, baka may makakita sa amin at malaman ang Magical World. Nasa pinakatagong lugar na kami at inopen na ni Kei ang portal, nagkatitigan pa kaming dalawa. 


"I-ikaw na mauna.."Sabi ko at nakita ko naman ang paglunok niya. 


"N-no, you take the lead."Sambit niya naman. 


"H-hindi ikaw na.."


"Vers, ikaw muna talaga.."Paguulit niya. 


"Ikaw muna, Kei.."Pagpupumilit ko. 


"Ladies come first."


"Gender equality po.."Sabi ko at bumuntong hininga naman siya. 


"You must go first. Yelena.."Inis na singhal niya at marahan ko naman siyang tinignan. 


"When I said you'd go first, I meant it. Gavin.."Sabi ko at bigla naman siyang umiwas ng tingin at tinakpan ang kaniyang mukha gamit ang dalawa niyang palad, pagkatapos nun ay muli siyang humarap at kapansin pansin ang tenga niya na namumula. 


May mali ba sa sinabi ko? 


"Okay, fine.."Sabi niya at napangiti naman ako."Damn it.."Narinig kong bulong niya bago pumasok sa portal. 


Pinigilan ko ang aking pagtawa, mukhang nagulat siya ng tawagin ko ang second name niya. Lagi ko na itong gagawin para masunod niya ang hiling ko, hahaha! Alam ko na ang kahinaan mo, Kei! 


Pagpasok na pagpasok namin sa portal, narinig ko ang sigaw ni Papa. Oh my gash! Galit ba siya sa akin?!  Akala ko aambaan niya ako ng hampas pero ang bisig niya ang bumungad sa akin, ramdam na ramdam ko ang pag aalala niya kaya na gu-guilty ako. Bumitaw siya sa pagkakayakap at hinalikan ang noo ko. 


"I thought I'd lost you again, please let me know if you're leaving. Para naman may kasama ka, huwag mo nang uulitin iyon. Vers.."Sabi ni Papa. 


"Sorry po, Papa.."Mahinang sabi ko at bigla naman akong niyakap ni Nanay Cleofe. 


Nandito na pala siya, niyakap ko din siya pabalik."Huwag mo nga kaming takutin ng ganun, apo! Akala ko kinuha kana ng grupo nila Lucious."Sambit niya at kapansin pansin na nanginginig ang kaniyang boses. 


"S-sorry po talaga, Nanay. Papa.."Tinignan ko din silang lahat, nandito din ang mga kaibigan ko."Pasensiya na at pinag alala ko kayong lahat, hindi na po mauulit.."Ngumiti naman silang lahat at tumango. 

Enchantment: The Lost Child Of Goddess DenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon