Chapter 11: defense

360 19 0
                                    





Vers's Point Of View 


Papunta na kami ngayon sa aming susunod na kalse, ang ipinagtakha ko. Bakit ang layo ng room namin. 


"Dito naba?"Tanong ko at tumingin sa isang higanteng pintuan."At tsaka, hindi ba tayo magpapalit ng uniporme?"Tanong ko muli. 


"Gagamitin lang natin iyon kapag Defense Exam na.."Sagot ni Riley. 


"Multiple choice ba ang exam sa Defense?"Tanong ko. 


Tumawa naman sila."Hindi siya multiple choice, Vers. Kakaiba ang examination sa Defense.."Sagot naman ni Ban. 


"Ano? Bakit kakaiba?"


"Huwag na maraming tanong, alamin mo na lang.."Sabi ni Kei at unti-unting itinulak ang malaking pintuan. 


Bumungad sa akin ang training field! Marami ng estudyante ang nag ta-training dito, hinila ako ni Asher. Nahati ang training field sa sampong area , sa isang area. Anim na estudyante ang nandoon, ayon sa aking katalinuhan. 60 students ang nandito kabilang na rin kami. Isipin mo iyon napakalawak ng field! 


"Dito tayo sa Area number 10.."Sabi ni Asher. 


Nakita ko ang mga target na nasa malayong pwesto, for sure para ito kay Kei na nag a-archery. May mahaba din na table at nakalagay doon ang mga patalim. 


"Ito ang iba't ibang uri ng kutsilyo, reverse s curve, needle point, dagger and spear point.."Turo ni Sir Zel. 


Ngayon ko lang na realize na katabi ko na pala siya." Ito naman ay Nunchucks, Throwing knives, Sai and Swords.."Sabi ni Sir. Huwaw! Parang Naruto ang peg ah!"Lastly, Metallic Gun. Ang pinagkaiba naman ng baril na ito sa ibang mga baril ay ang bala nito, small metallic bullet ito. Kapag natamaan ka, your body will be numb and you can't control it.."


"Meron naman po bang cure kapag natamaan ka ng bala neto?"Turo ko sa Metallic Gun. 


"Yes, of course. May iinumin kang gamit para maigalaw at maibalik sa dati ang katawan mo.."Sagot niya at napa 'ahh' naman ako. 


May nakita rin akong Punching Bag Stand, siguro dito ako mag pa practice manuntok. Naghanda na sila Riley at mukhang mag ta-training na. Lumapit ang isa pa naming teacher dito sa pwesto namin. 


"So, it must be you!"Sabi niya at tinuro ako. 


"Po? Bakit po ako?"Tanong ko at natawa naman siya. 


"Ikaw ang student na galing sa Earth! Nice to meet you, I'm one of your Defense teacher.."Sabi niya at inilahad niya ang kaniyang kamay. Tinanggap ko naman ito, bigla akong napasigaw ng bigla niya akong hinila at kinulong gamit ang mga braso niya. Nagpumiglas ako, tinatanggal ko ang braso niya na nakapalupot sa leeg ko. 

Enchantment: The Lost Child Of Goddess DenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon