Chapter 8: first ache

397 19 0
                                    






Vers's Point Of View 


Parang natatae ako at nasusuka! Nandito na kami sa harap ng Enchantment Academy. Para itong castle! May nagbabantay na taong-aso dito at chine-check niya ang mga Id ng mga estudyante. Isa-isa kaming tumuloy at nang ako na ang susunod, ipinakita ko ang Invitation Letter ko. 


"Maiwan ka--arf! Mauna na kayo"Turo niya kila Zale."Mag picture ka dito para magkaroon kana ng Id--arf!"Sabi niya at tumango naman ako. 


"Mauuna na kami, Vers"Sabi ni Riley at ngumiti naman ako. 


May itinuro siyang room at tumungo naman ako doon, pag pasok ko nakita ko ang isang photographer. Ngumiti ako at ganun din siya, inalalayan niya ako papunta sa harap ng isang telang puti. 


"New student? Name.."


"Yes po, Yelena Ventura"Sagot ko. 


"Okay, Yelena. What's your code name?"Tanong niya ulit habang may pinipindot na isang machine. 


"Vers po, V.E.R.S"Sagot kong muli. 


"Okay, Ms. Vers! Smile!"Sabi nito. 


Inayos ko ang buhok at mukha ko sabay smile. May nag flash na ilaw pero mabilis lang ito, lumapit ako sa photographer at tinignan ang machine na cniclick niya kanina. Lumabas doon ang Id ko na may name na, kinuha niya ito at inilagay sa isang Id case. Lumapit siya sa'kin at isinuot ito sa'kin, napangiti naman ako. 


"Welcome to Enchantment Academy, Vers.."Bati niya sa'kin. 


"Maraming salamat po!"Sambit ko at naglakad na paalis. 


Lumapit ako kay guard na taong-aso at ipinakita ang Id ko sabay ngiti. Tumango siya at pinapasok ako sa loob ng School. 


Naglakad ako sa loob at bumungad sa'kin ang malawak na loob nito, may dalawang hallway sa magkabilang gilid at sa harap naman ay isang front desk. Lumapit ako doon at tinignan ang babaeng matanda na may hawak na libro. 


"New student?'Tanong niya at tumango naman ako."Nasa left side ang room mo"May ibinigay siya na papel sa'kin, makikita rito ang iba't-ibang mga rooms katulad nang Potion and Crafts Room."Welcome to Enchantment Academy, Vers.."Pagpapatuloy niya. 


"Maraming salamat po, at pati rin po dito"Turo ko sa papel na binigay niya sa'kin. 


Nauna na akong naglakad at sinunod na ang daan na tinuro ni Ginang, marami pa lang rooms dito. Napatigil ako sa paglalakad ng tumigil ang arrow na nakalagay sa papel, humarap ako sa malaking pintuan at tinignan ang sign. 'MR-7' sa tingin ko ang ibig sabihin nito ay Main Room 7, pinihit ko ang door knob at unti-unting bumukas ang malaking pintuan. Pumasok ako sa loob at bumungad sa'kin ang mga kaklase ko, tinignan ko ang nasa harap at nakita ko ang mukha ni Sir Zel!

Enchantment: The Lost Child Of Goddess DenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon