Vers's Point Of View
Nandito kami ngayon ulit nila Zale sa Restaurant na kinainan namin noon, at ngayon handa na akong kumain ng Unicorn Soup! Kinakabahan ako at pakiramdam ko gusto ko na mamatay, akmang hihigupin ko na ang sabaw kaso ayaw talaga ng sikmura ko. Panay lang ang tawanan nila Ban.
"Ito na talaga.."Sabi ko at ipinikit ang mga mata bago higupin ang sabaw, at wow! Ang sarap pala."Ay ang sarap naman pala.."Nakahinga naman ako ng maluwag--lasang bulalo ito pero kakaiba ngunit masarap naman.
"Dami kasing arte, gusto din naman pala.."Narinig kong sabi ni Kei at masama ko naman siyang tinignan, bigla naman niya akong nginitian.
Kumusilap naman ako at napatingin kay Asher, lagi naman siyang tahimik pero ngayon kakaiba ang pagiging tahimik niya. Para siyang natanggalan ng bibig tapos sasagot lang kapag may tatanungin kami, hmm. May problema siguro siya, mamaya tatanungin ko siya!
"Eat more meat to increase your height.."Sabi naman ni Kei at nilagyan ako ng meat sa aking plato, napangiti naman ako dahil sa kaniya ito at ibinigay niya pa sa akin.
"Ayiee.."Pang aasar ni Zale at tinignan ko naman siya.
"Luh.."Sabi ko at nagtawanan naman sila.
"Sana all na lang noh.."Sabi naman ni Ban at siniko si Asher.
Napatingin naman siya sa akin at ngumiti sabay tango, muli akong tumingin kay Kei--binabalatan niya ako ng hipon! At nilalagay ito sa plato ko, ang dami na ring piraso ang nailagay niya at hindi ko akalain na ang bilis niya magba--.
"Hi! Miss Future Girlfriend!"Sabi sa akin ni Kei at ngayon ko lang narealize na may clone siyang katabi at nagbabalat din ng hipon!
Natawa naman ako at marahan akong tinignan ng totoong Kei at kininditan pa ako, grabe naman talaga ang effort ng bwisit na ito ha!
"H-hello.."Sabi ko naman at kumaway pa.
"Future girlfriend?! Kyaaahhhhhhhhhhh!!!"Malakas naman na sigaw ni Zale at hinampas siya ni Riley dahil sa ingay ng bunganga niya.
Pagkatapos namin kumain, hinatid pa nila ako pauwi ng kastilyo. Wala pa sila Nanay at Papa pero okay lang naman sa akin kasi alam ko naman na busy sila, mag isa lang ako dito sa kastilyo at balak pa sana mag stay nila Kei pero gabi na at baka may mangyari pa sa kanilang masama kaya pinauwi ko na sila. Bago ako dumiretso ng kwarto, minabuti kong mag iwan ng sulat sa kusina.
'Kumain na po kami nila Kei sa Restaurant, at busog na din po ako. Matutulog na po ako! Goodnight and I love you po!'
Idinikit ko ito sa Ref at sigurado naman ako na makikita nila ito dahil pagkauwing pagkauwi nila ng bahay napapansin ko na lagi silang pumupunta agad sa Ref upang kumuha ng maiinom. Siguro dahil sobrang tanda na rin ni Nanay kaya mabilis siyang mauhaw, pero si Papa? Hmm siguro dahil laging mainitin ang ulo--hehe pero hindi sa akin. Sweet at mahinhin siya kapag kausap ako noh! Mainggit ka, hahaha.
BINABASA MO ANG
Enchantment: The Lost Child Of Goddess Dena
FantasyIn a world full of lies, we enter a magical world where many things are unbelievable. Power, magic, vitality, intelligence, and extraordinary love. No one can enter this world unless you have special power and strength, but Yelena Ventura, who has n...