Vers's Point Of View
"H-huwag mo ako kilitiin, Ate! Hahahaha!"Sigaw ni Oliver, malakas akong tumatawa habang kinikiliti siya.
Gabi na ngayon at matutulog na kami, mas pinili nila matulog dito sa tabi ko at okay lang naman sa akin dahil malaki ang kama ko. At tsaka, natatakot din kasi ako minsan kapag mag isa lang ako dito, pakiramdam ko may nanonood sa akin. Nakakahiya naman, ang pangit ko matulog--baka ma turn-off yung multong nanonood sa akin.
"Okay, tama na. Baka mamaya makaihi ka, ayaw ko maglinis dahil gabi na.."Sambit ko at sabay kaming tumawa ni Oliver.
"Kuha po muna ako tubig sa baba.."Sabi niya at tumango naman ako.
Umalis na si Oliver kaya dumiretso ako kay Olivia na tinitignan ang album ko, dinala ko din ito dito noong umalis ako sa bahay dahil lahat ng pictures namin ni Mama Jo at Hannah ay nandoon, may mga bago din pictures sa album at kasama ko doon sila Kei. Mga stolen shots lang ang nakukuha ko kay Papa, nahihiya kasi ako na yayain siya mag picture.
"Gan..da.."Turo niya sa picture ko."Ate..Ve..rs.."Pagpapatuloy niya at napangiti naman ako.
Humiga ako at tumabi naman siya sa akin, kinuwento ko sa kaniya ang mga nangyari sa larawan. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti, maliit lang ito pero napakaganda niya talaga. Shems, noong bata ako kapag ngumiti ako mukha akong bungal.
"Syempre! Ako pa, malakas lahi namin eh"Pagmamayabang ko naman at muli siyang ngumiti.
Naputol ang usapan namin ng dumating na rin si Oliver dala dala ang isang pitsel ng tubig at tatlong baso. Nakalagay ito sa isang tray, mabilis akong naglakad papalapit sa kaniya at tinulungan siya sa kaniyang dala. Nilagyan ko ng tubig ang isang baso at inabot ito kay Olivia, uminom naman siya.
Kinuha ko na ang album at binalik na ulit ito sa maliit na cabinet ko, naubos na nilang dalawa ang laman ng baso nila kaya tinulungan ko si Oliver na maka akyat sa kama.
"Tulog na tayo.."Sabi ni Oliver kay Olivia, napangiti naman ako at kinumutan na silang dalawa."Goodnight po.."
"Good..ni..ght.."
"Good night!"Sabi ko at hinalikan silang dalawa.
Minabuti kong iwang bukas ang lamp shade ko upang hindi sila matakot sa dilim, hindi pa naman ako naantok. Kaya binuksan ko ang malaking bintana at tumambay, nakatingin lang ako sa buwan at habang pinagmamasdan ito pakiramdam ko talaga may nanonood sa akin.
Inilibot ko ang aking paningin at nahagip ko ang isang naka itim na babae sa puno, umiwas siya ng tingin ngunit alam niya na nakita ko na siya kaya marahan niya akong tinignan. Si Dena ito, mukhang alam niya na nandito ang mga batang iniligtas niya kanina. Kahit medyo madilim at ang tanging buwan ang nagbibigay ng liwanag sa amin, tipid akong ngumiti sa kaniya at laking gulat ko naman ng suklian niya ito.
BINABASA MO ANG
Enchantment: The Lost Child Of Goddess Dena
FantasiIn a world full of lies, we enter a magical world where many things are unbelievable. Power, magic, vitality, intelligence, and extraordinary love. No one can enter this world unless you have special power and strength, but Yelena Ventura, who has n...