Vers's Point Of View
Pagkatapos kong makipag eye to eye sa taong iyon--tao ba talaga iyon? Hindi na ako masyadong makapagsalita. Nangangamba ako sa mga mata niya, at kapag pumipikit ako bumabalik ito sa alaala ko.
"Hindi ka pa matutulog Vers?"Tanong ni Riley sa akin.
"M-mamaya na, mag aaral muna ako sa English subject ko. May graded recitation kami bukas.."Sagot ko naman.
"Matulog kana pagkatapos ha, masamang magpuyat.."Sabi niya at tumango na lamang ako.
Narinig ko ang pagpasok ni Zale sa kwarto, mukhang pagod na rin siya kaya mabilis siyang dumiretso sa kama niya.
"Mahilig ka talaga mag aral noh?"Sabi ni Zale.
"Medyo lang.."Narinig ko ang pagtawa niya.
Mas tinuonan ko ng pansin ang mga inaaral ko, hindi ako mapakali ngayon at sa tingin ko. Kailangan ko pumunta sa lugar na iyon, tsk! Paano ako pupunta, eh ang lakas ng ulan at tsaka hindi ko alam ang daan--AY! Yung mapa! Mabilis akong pumunta sa cabinet ko at pasimpleng nagkalkal doon, mabilis ko naman nakita ang hinahanap ko.
Gagamitin ko ito papunta sa lugar na iyon, mukhang nagiging pusa na ako dito at pinapatay na ako ng kuryosidad. Alam ko na mali itong gagawin ko pero bahala na. Mamatay na kung mamatay, pero paano naman ang pag aaral ko? Mas mahalaga ang pag aaral ko kaysa sa pagkamatay ko noh!
Bumalik ako sa study table ko at patuloy na nagbabasa sa librong English, ang hindi ko lang maintindihan sa sarili ko--alam ko naman na ang topic na ito at sobrang gamay ko na pero bakit binabasa ko pa rin. Nakakatamad na! Gusto ko na talaga pumunta sa Enchanted Forest.
Iniligpit ko na ang libro ko, unti-unting namatay ang ilaw sa lampshade ko. Kumuha ako ng maliit na bag, doon ko inilagay ang mapa, kaunting candies at ang huli flashlight. Dahan dahan akong lumabas sa kwarto, tulog naman na kasi sila Zale.
Bago ako tuluyang lumabas, tinignan ko muna ang sala kung may tao ba. At laking pasasalamat ko ng wala akong nakita, nasa kwarto na rin pala ang mga boys. Nakahinga ako ng maluwag ng tagumpay akong nakalabas sa dorm namin, inilabas ko na ang mapa at ibinuka na ito.
Para pala siyang Ipad, clinick ko ang destinasyon papunta sa Enchanted Forest. Hindi nga lang siya halata dahil sa mapa, tanging itim lang ang nakalagay doon. Kaya malakas ang pakiramdam ko na ito ang Enchanted Forest, kahit malakas ang ulan at may halo pang kidlat. Matapang akong pumunta sa lugar na iyon, naging mahirap din ang aking dinadaanan. Puro putik, at hindi ko na masyadong makita ang daan dahil sa lakas ng ulan. Sinusundan ko na lang ang arrow na nasa mapa upang makapunta sa destinasyon.
Napatingin ako sa malayo at nakita ang riles ng tren doon, napatingin ako sa mapa at..halos manginig ang buong binti ko ng pag harap ko. Nandito na ako sa isang gubat, matatayog ang mga puno at nakakatakot. Tinignan ko ang mapa at naglaho ang imahe at arrow nito, bumuntong hininga ako.
BINABASA MO ANG
Enchantment: The Lost Child Of Goddess Dena
ФэнтезиIn a world full of lies, we enter a magical world where many things are unbelievable. Power, magic, vitality, intelligence, and extraordinary love. No one can enter this world unless you have special power and strength, but Yelena Ventura, who has n...