Chapter 2: him

713 25 0
                                    


Yelena's Point Of View

Umiwas ako nang tingin sa kanya at naglakad papunta sa cabinet. Nagkunwarian akong nag-aayos ng kagamitan kahit wala naman ng gamit sa cabinet ko dahil nailagay ko na lahat sa maleta. Maliban na lang sa susuotin ko bukas bago umalis. Nakita ko ang paghiga niya sa aking kama. 


"Alam mo, ang gwapo mo sana kaso pa-fall ka." sabi ko sa kanya at umupo sa dulo ng kama. 


Lumagpas ang mga binti niya sa aking kama dahil sa katangkaran niya. Hinampas ko ang binti niya at hindi mapigilang mapahagikgik nang tignan naman niya ako nang masama.


"I'm not pa-fall." sambit niya sabay kusilap. 


"Huwag kana humiga riyan, magugulo mo lang eh. Ka-kaayos ko lang kanina iyan." reklamo ko. 


Hindi ko maiwasang magtaka. Hindi naman kami magkakilala subalit may parte sa akin na para bang matagal na kaming nagkasama at hinihintay ko na lamang siyang bumalik. 


"Aayusin ko kapag nagulo.." sabi niya at niyakap pa ang unan ko. 


Gusto niya yata matulog. Kaya naman, pinabayaan ko na lang siya at dumiretso sa banyo. Naghilamos ako at nagtungo sa study table ko kung saan nakalagay ang laptop ko. Naisipan kong dalhin na lang din ito. Wait, pwede ko ba dalhin?


"Kei.." I called him. 


Lumingon naman ako sa pwesto niya at halos mapasigaw ako nang makita siya sa harapan ko!


Ang lapit niya!  


Ilang dipa na lang ay mahahalikan niya na ang labi ko, hinawakan ko ang noo niya at mahinang itinulak ito. Natawa naman siya, kinuha niya silya at tumabi sa akin. 


"Is that what humans call a laptop?" tanong niya. 


"Oo, may itatanong pala ako. Pwede ba magdala ng laptop doon?"


"Of course.." sagot niya at tumango na lang ako. 


Habang inaayos ang mga files at document ko. Naramdaman ko ang paghiga niya sa aking balikat. Pa-fall nga talaga siya, nakakainis! Medyo kinikilig ako pero nasa...5 percent lang.


Naalala ko, tinanong sa akin ni Ma'am Jane kung ano ang powers ko at ang sagot ko naman ay wala. Paano naman kaya itong si Kei? Ano kaya ang powers or magic abilities niya?  


"Kei.." muling tawag ko sa kanya. 


"Hmm.."


"Anong powers mo?" bulong ko. 

"Hmm, what do you think?" bumangon siya mula sa pagkakahiga sa aking balikat at nakipagtitigan sa akin. 


Umiwas ako dahil sa kaba at kahihiyan. "E-eh... hindi ko alam. Kaya nga tinatanong ko sa'yo." pagdadahilan ko naman. 

Enchantment: The Lost Child Of Goddess DenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon