Vers's Point Of View
Mabilis na naikalat sa Magical World ang tungkol sa DNA result namin ni Sir Rai--I mean ni Papa. Kinikilig talaga ako kapag sinasabi ko ang word na 'papa' ehe! Aalis na rin pala kami mamaya dito sa Hospital kapag nabigyan na kami ng signal ni Doc, hindi ko kasi kontrolado ang kapangyarihan ko kaya mabilis akong nawalan ng malay dahil sa pag gamit nito.
"Apo! Maligayang pagbabalik!"Sabi ni Teacher Cleofe.
Wala nga pala kami sa School, parang hindi ko siya trip tawaging Lola. Mas maganda kung Nanay na lang, pero kapag nasa School kami. Syempre Ma'am o Teacher ang tawag ko sa kaniya.
"Salamat po, Nanay.."Sabi ko at natawa naman sila.
"Ang ganda ganda mo talagang bata ka! Pa kiss nga.."Sambit niya at napangiti naman ako.
Hinayaan ko siyang halikan ako, napansin namin ang pagbukas ng pintuan. Bumungad sa amin ang mga kaibigan ko.
"VERS!"Sabay na sigaw nila at lumapit sa akin.
"Ikaw ang anak ni..ni Sir Rai?!"Gulat na tanong ni Zale at napatingin naman siya kay Papa na nakangiti.
Tumango naman ako at lahat sila ay hindi makapaniwala."Hindi ako makapaniwala! Ilang linggo ka na namin kasama sa Dorm, t-tapos nilulutuan mo pa kami ng pagkain araw araw! Such a previlege!"Sabi ni Riley at natawa naman kami.
Nandito pa rin lahat ng mga teachers, lumapit sa akin si Kei at mabilis niya akong inambaan ng yakap, ganun din si Asher at Ban. Nagkuwentuhan pa kami patungkol sa kapangyarihan ko, at tinanong pa nila sa akin kung sa castle na ni Papa ako titira.
"Si Vers na ang bahala doon, if gusto niya sa castle tumira.."Sabi ni Papa.
Napangiti naman ako."Dadalawin ko na lang kayo sa Dorm, gusto ko muna makasama ang Papa ko.."Sagot ko at ngumiti naman sila.
"Nandoon din ako, apo.."Sabi ni Nanay.
"Talaga po?!"Tanong ko at tumango naman siya.
Nandoon din pala sa Castle si Nanay, edi marami din siyang maituturo sa akin. Nag paalam na ang mga teachers namin, kailangan na din kasi nila umalis dahil ang mga taong bayan daw ay nagkakagulo--gusto daw nila akong makita. Habang ang mga kaibigan ko naman ay sasamahan daw nila ako papunta sa Castle--pero pakiramdam ko sasamahan lang nila ako para makita yung loob ng Castle. Sinabi din sa akin ni Kei noon na malungkot ang ambiance sa lugar na iyon pero susubukin kong baguhin iyon.
Dumating na din si Doc at binigyan na kami ng signal, kaya nagpalit muna ako ng damit.
"Susunduin na lang kita sa Dorm, kapag tapos kana sa pag iimpake.."Sabi ni Papa at niyakap ako ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
Enchantment: The Lost Child Of Goddess Dena
FantasyIn a world full of lies, we enter a magical world where many things are unbelievable. Power, magic, vitality, intelligence, and extraordinary love. No one can enter this world unless you have special power and strength, but Yelena Ventura, who has n...