Vers's Point Of View
Malakas ang sigawan ng tao, nagulat din ako sa ginawa ko. Ang malaking alon, naging yelo! AT AKO ANG MAY GAWA NITO, nanginginig ang mga kamay ko at napatingin sa mga tao. Unti-unting nabasag ang yelo at nakita ko si Zale na halata din ang gulat, hinawakan ko ang mga kamay ko at hinihipan ito. Ang lamig ng kamay ko, sobrang lamig. Ngunit kailangan ko manalo ngayon sa laban ko, kaya sinubukan kong iharap kay Zale ang kanang kamay ko at itinaas ito. Nagsilabasan ang mga yelo at nabalot naman si Zale sa yelo, hindi siya maka kilos dahil sa na trap na siya rito.
Bumaba si Ma'am Jane galing sa isang poste at tinignan si Zale."ZALE CAN'T MOVE ANYMORE, VERS IS THE WINNER!"Sigaw nito at naghiyawan naman ang lahat ng tao.
'Ice ang powers niya!'
'Parang ang asawa ni Rai!'
'Si Star!'
Nakita ko ang pagpunta ni Sir Rai sa amin, inuna niya si Zale at tinunaw ang yelo. Nakawala siya dito, natatakot akong lapitan siya ngunit mabilis naman niya akong nilapitan at yinakap.
"Ang buhok at mata mo, iba na ang kulay nito.."Bulong niya sa akin at hindi ko magawang yakapin siya pabalik dahil nanginginig ang mga kamay ko.
Lumapit sa akin si Sir Rai at napansin ko ang pagtitig niya sa akin, hinawakan niya ang kamay ko na nanginginig at nakahinga naman ako ng maluwag nang maramdaman ko ang init ng kamay niya. Napansin ko ang itim na sumulpot sa isang madilim na lugar, agad naman akong napatingin kay Sir Rai at sinundan niya ang tinitignan ko.
"EVERYONE! SHE'S HERE!"Malakas na sigaw ni Sir Rai at dumating naman ang mga teachers upang i-alis ang mga tao.
Ang iba ay naguguluhan ngunit ng marinig nila ang pangalan na 'Dena' para silang mga manok na nag unahang makawala sa kulungan.
"Vers! Zale!"Sigaw nila Kei at lumapit naman sila sa amin.
Agad akong niyakap ni Kei ng mahigpit, si Zale naman ay lumapit kay Ban. Dumating si Ma'am Jane at hinarang ang kamay niya.
"Umalis na kayo, ngayon na!"Sigaw niya at sumunod naman kami.
Nakita namin ang hallway at sabay sabay na tumakbo ngunit bigla akong napabitaw kay Kei ng may humarang na invisible barrier sa amin. Hindi ako makapunta sa kanila at nandito pa rin ako sa battlefield kung saan nakahanda ang mga teachers at Top 5 sa parating na kalaban.
"Fuck!"Narinig kong sigaw ni Kei.
"Mauna na kayo!"Sabi ko.
"Are you kidding me, Vers?"Tanong ni Kei.
BINABASA MO ANG
Enchantment: The Lost Child Of Goddess Dena
FantasyIn a world full of lies, we enter a magical world where many things are unbelievable. Power, magic, vitality, intelligence, and extraordinary love. No one can enter this world unless you have special power and strength, but Yelena Ventura, who has n...