Chapter 34: grandparents

226 16 0
                                    





Vers's Point Of View 


Ilang araw na rin ang lumipas simula ng icelebrate namin ang birthday ni Ban, bukas na. Bukas na talaga kami magkakahiwalay lahat dahil sa training! At kinakabahan talaga ako! Gabi na ngayon at hindi talaga ako makatulog, para akong natatae dahil sa kaba at nasusuka dahil sa excitement. 


Tinignan ko sila Olivia na mahimbing na natutulog, napatingin ako sa bintana at napangiti naman ako ng makita si Kei na kadadating lang. Wala naman kaming pinag usapan na magkikita kami pero siguro ito ang dahilan kaya hindi ako makatulog, hinihintay ko lang pala siya. 


"Bakit hindi mo naman sinabi na pupunta ka dito!"Sabi ko sa kaniya. 


Dahan dahan pa akong bumaba at lumabas para hindi kami mahuli ni Papa o hindi kaya ni Nanay. Lumapit ako sa kaniya at mahigpit niya naman akong niyakap. 


"I'll miss you a lot."Sabi niya at naramdaman ko ang malambot na halik niya sa aking sentido. 


"Same.."Sabi ko naman at mahina siyang tumawa."Baka mamaya, ipagpalit mo'ko ha.."


"What are you talking about? Pupunta ako doon para mag training hindi maghanap ng babae.."Mahina akong natawa. 


"Sus, kunware kapa.."Muli kong pang aasar. 


"Whatever."Singhal niya at mas lumakas ang tawa ko. 


"Joke lang.."Sabi ko at inabot ang pisngi niya upang mahalikan ito."Nag paalam na din pala ako kanina kila Zale, ikaw nag paalam kana ba sa kanila?"


"Of course, babe. Magkakasama kami sa iisang unit.."Sabi niya. 


"Oo nga pala, hahaha.."


Sa huling pagkakataon, niyakap ko muli siya. Medyo matagal tagal rin kami magkakahiwalay pero kailangan talaga. Bumitaw na siya sa pagkakayakap at hinalikan niya ako sa labi, medyo matagal ito ngunit masarap naman hehehe. 


"See you in my dreams.."Sabi niya at sasagot na sana ako ng biglang may tumawag sa akin. 


Tumingin ako sa likod."Yelena, gabing gabi na. Jusko ka talaga!"Si Nanay Cleofe iyon. 


"Till we meet..."Muli akong napatingin sa aking harap pero wala na siya."..again.."Napabuntong hininga naman ako bago bumalik sa loob kasama si Nanay. 


"Ano bang ginagawa mo doon, baka mamaya kagatin ka ng lamok!"Sabi niya at mahina akong tumawa. 


"Nag wa-warm up lang po ako.."Sagot ko at makabuluhan niya naman akong tinignan.


"P-pasaway ka talagang bata ka.."Mahina akong tumawa, naglakad na kami paakyat at nauna na siyang pumasok sa kwarto niya. 


Enchantment: The Lost Child Of Goddess DenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon