Chapter 30: sin family

229 15 1
                                    





Vers's Point Of View 


"Sama ka na lang kaya sa akin?"Tanong naman sa akin ni Kei, kami ang naatasan na mag linis ng room. 


Tapos na din naman na ang klase at sobrang pagod ko na nga ako pa pinaglinis, at ang mas nakakainis pa rito kasama ko ang lalaking ito. Dagdag sakit ng ulo mga beks, pang ilang tanong na niya sa akin iyan. 


"Alam mo, kung nagiging pera ang mga tanong mo. Baka mayaman na ako.."Sagot ko naman. 


Bahagya siyang tumawa at lumapit sa akin, iniharang ko ang walis na hawak ko dahil alam ko ang balak niyang gawin.


"We are both already wealthy. Honey.."Sabi niya at hinalikan ang leeg ko, hinampas ko siya. 


"Tsk! Hindi ako sasama sayo, mas gusto ko sa mga grandparents ko.."Sabi ko sa kaniya at tumayo na siya ng maayos. 


"All right, goodluck."Sambit niya."Sana may girlfriend pa rin ako , pag uwi ko dito.."Pagpapatuloy niya at nakakainis ang tono ng boses niya..parang mamamatayan. 


"Ang OA mo! Kainis ito.."Singhal ko sa kaniya at malakas siyang tumawa. 


Natapos na kami sa paglilinis at sabay na umalis sa classroom, nakayakap siya sa kaliwa kong braso habang naglalakad kami. Ang tangkad tangkad niya, para kaming mag-ama. Hindi na lang niya ako akbayan or kaya hawakan ang kamay ko. Nasa labas na kami ng School ng biglang may tumawag sa akin. 


"Vers!"Pag tingin namin ni Kei sa malayo, si Papa ito! Agad kong ginamit ang kapangyarihan ko para mapatalsik si Kei dito sa gilid ko. 


Bigla naman siyang tumilapon sa hardin ng School, at mamaya na lang ako mag so-sorry sa kaniya. Nag pilit ako ng ngiti at tumakbo papunta kay Papa. 


"Hello, Papa!"Sabi ko at niyakap niya naman ako. 


Kausap niya si Guard Rex--siya yung guard na aso pero tao. Hahaha, sana gets niyo. 


"Rex, have a wonderful day. Thank you very much."Sabi ni Papa at tumahol naman si Guard, naglakad na kami at muli akong napatingin sa loob ng School nang makita si Kei na basang basa. 


Napatakip naman ako sa aking bibig, sumakto ata siya doon sa fountain! Hahahahaha! 


"Why are you cheerful today, sweetie?"Tanong sa akin ni Papa. 


Alangan naman na isagot ko, pinatalsik ko si Kei at na shoot siya doon sa Fountain. Hahahaha! Mukhang kailangan ko magsinungaling ha. 


"Excited na po kasi ako makita sila lola at lolo.."Sagot ko at napangiwi naman siya. 


Enchantment: The Lost Child Of Goddess DenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon